17/10/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐๐๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐
๐
Lungsod ng Calapan, 14 October 2025 โ Sa patuloy na layunin ng Department of Migrant Workers (DMW) MIMAROPA na maiparamdam ang malasakit at suporta sa ating mga modernong bayani ng bayan, matagumpay na isinagawa ng tanggapan ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng ibaโt ibang hamon habang nagtatrabaho sa ibang bansa na ginanap noong ika-14 ng Oktubre taong kasalukuyan sa Mangyan Hall, Provincial Capitol Complex, Calapan City, Oriental Mindoro.
Sa nasabing aktibidad, dalawang (2) OFW ang tumanggap ng tig-โฑ100,000, lima (5) naman ang nakatanggap ng tig-โฑ75,000, habang labindalawa (12) pang benepisyaryo ang pinagkalooban ng tig-โฑ50,000. Sa kabuuan, umabot sa โฑ1,175,000 ang naipamahaging tulong sa labinsiyam (19) na benepisyaryoโisang patunay ng matatag na suporta ng DMW MIMAROPA sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Binigyang-kulay ng nasabing pagtitipon ang mainit na welcome message ni Chief Tambie Oliveros, na nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pasasalamat sa mga OFW sa kanilang sakripisyo para sa pamilya at sa bayan. Kasunod nito, naghatid naman ng inspirational message si DMW MIMAROPA OIC-Regional Director Carlo B. Villaflores, PhD, na nagbigay-diin sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga OFW habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
โAng bawat OFW ay kwento ng sakripisyo, pagtitiis, at pagmamahal. Ang DMW ay narito hindi lang upang magbigay ng tulong, kundi upang makinig, umalalay, at maghatid ng pag-asa,โ ani Dr. Villaflores sa kanyang makabagbag-damdaming mensahe.
Kasabay ng pamamahagi ng tulong, 66 OFWs naman ang sumailalim sa Financial Awareness Seminar and Small Business Management Training (FAS-SBMT) โ isang hakbang tungo sa pagbibigay-kakayahan sa mga balikbayan upang maitaguyod ang kanilang kabuhayan sa bansa.
Bilang resource person, inimbitahan ng tanggapan si Ms. Keesha Mae P. Riel mula sa Department of Trade and Industry (DTI), na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa entrepreneurship, financial literacy, at tamang pamamahala ng maliit na negosyo.
Sa kabuuan, ipinamalas ng DMW MIMAROPA ang isang programa na hindi lamang nakatuon sa tulong pinansiyal, kundi sa mas malalim na layuninโang pagtaguyod sa dignidad, katatagan, at kabuhayan ng bawat OFW.
Tunay na sa puso ng bawat kawani ng DMW MIMAROPA, ang bawat OFW ay hindi lamang bilang ng estadistika, kundi buhay, pamilya, at kwento ng pag-asa na patuloy na isinusulat araw-araw.