30/05/2026
๐
๐๐, ๐๐๐ฌ, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
ILAGAN CITY, ISABELA โ Daan-daang dating rebelde, katutubo, sundalo, at mga residente mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) sa Northern Luzon ang makikinabang sa libreng skills training at livelihood opportunities. Ito ay matapos magsanib-puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Isabela School of Arts and Trades, at ang 502nd Infantry โLiberatorโ Brigade sa pamumuno ni BGEN RHODERICK L PARALLAG PA sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) noong Mayo 5, 2026.
Sa ilalim ng kasunduan na sumusuporta sa pangkabuhayang programa ng administrasyong Marcos, ang TESDA ang magbibigay ng de-kalidad at competency-based training, mga pasilidad, at certified trainers.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa kabuhayan ang mga benepisyaryo upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay, mapalakas ang kanilang kakayahang pangkabuhayan, at maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad sa Northern Luzon.