01/11/2025
π₯ππππ’π‘ππ πππ₯πππ§π’π₯ π‘π ππ§π’ π¦π π ππ ππ₯π’π£π π¦π¨π¦π£ππ‘ππππ’ πππππ π¦π π¨πππ§ π‘π πππ§ππͺπππππ‘
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang regional director sa MIMAROPA habang iniimbestigahan ang mga paratang ng katiwalian laban sa kanya.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, inatasan ni LTO Secretary Markus Lacanilao ang agarang pagbabalik ng naturang opisyal sa central office sa Maynila bilang bahagi ng βmalawakang anti-corruption effortβ ng ahensya upang linisin ang hanay ng mga tauhan nito.
Batay sa mga reklamo, hinihingan umano ng P50,000 kada buwan ng mga tauhan ng opisyal ang ilang aplikante kapalit ng mabilis na pagproseso ng kanilang mga dokumento. Isang nagreklamo pa ang nagsumite ng resibo mula sa money remittance bilang ebidensya.
βAyon sa paunang imbestigasyon, karaniwan nilang pinatatagal ang mga aplikasyon sa Regional Office upang mapilitang magbayad ang aplikante ng P50,000 bawat buwan,β pahayag ni Lacanilao.
Bukod dito, humaharap din ang opisyal sa mga reklamo mula sa mga transport group na nagsasabing humihingi umano ito ng P7,000 bawat sasakyan upang maiwasan ang masusing pagsusuri ng dokumento o pag-flag ng mga violation.
Nadiskubre rin ni Lacanilao sa kanyang inspeksyon sa tanggapan ng LTO-MIMAROPA ang ilang kakulangan tulad ng mabagal na serbisyo sa publiko at mga sirang upuan sa waiting area.
Matagal nang inirereklamo ang LTO dahil sa mga fixer at suhol na laganap sa mga tanggapan nito sa buong bansa. Madalas umanong may naniningil ng lagay upang mapabilis ang serbisyo o makaiwas sa aberya sa proseso.
Binigyang-diin ni Lacanilao na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng katiwalian at tiniyak na paiigtingin pa ang mga reporma upang maibalik ang tiwala ng publiko sa LTO.