20/08/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | NYMTTBP sa Linapacan nakapagtala ng 54.75 kilo na aning bangus
Nakapagtala ng humigit-kumulang 54.75 kilo ng bangus ang Nurutan y ang Manegbila na Tagbanua โtong Barangay Pical (NYMTTBP) mula sa unang produksyon nito sa ilalim ng Food Production and Livelihood (FPL) component ng BFAR-SAAD Program.
Isinagawa noong Agosto 14 ang monitoring at assistance visit ng BFAR-SAAD MIMAROPA sa samahan na nakatuon sa pag-aani ng natitirang bangus at pagpapalit ng lambat ng fish cage bilang bahagi ng regular na pagpapanatili nito.
Tinatayang 800 hanggang 900 gramo bawat piraso ang timbang ng mga naaning bangus. Sa kabuuang ani, 80 piraso ang naibenta ng samahan at nakapagtala ng mahigit Php 9,000 na kita. Karamihan sa mga ito ay binili ng mga kasapi ng samahan, habang ang iba ay naibenta sa iba pang mamimili.
Bago ang produksyon, nakatanggap ang NYMTTBP ng 2,470 pirasong bangus fingerlings, feeds, at isang yunit ng mga kagamitang kailangan sa bangus cage culture bilang bahagi ng pangkabuhayang interbensyon ng programa.
Ayon sa samahan, naging mahalagang bahagi ng kanilang unang produksyon ang pagbebenta ng mga naaning bangus, na nagbigay ng karagdagang kita at nakatulong sa pagbabalik ng puhunan para sa kanilang produksyon.
Kasabay ng pag-aani ay isinagawa rin ng mga kasapi ang pagpapalit ng lambat ng fish cage upang mapanatili itong maayos at angkop para sa susunod na produksyon. Sinubaybayan ni Deo C. Fajardo, Area Coordinator ng Linapacan, ang mga gawain upang matiyak ang wastong pagsasagawa ng pag-aalaga at pag-aani ng bangus.
Bahagi ng isinagawang monitoring ang pagtukoy sa kalagayan ng fish cage at pagbibigay ng kinakailangang gabay sa samahan sa pagpapanatili ng pasilidad at wastong pangangasiwa ng produksyon.
Para sa susunod na produksyon, nakatuon ang samahan sa pagpapanatili ng maayos na fish cage at pagsunod sa wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng bangus upang mapangalagaan ang kanilang livelihood project.
๐บ๐จ๐จ๐ซ, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐.