18/08/2026
𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
Bilang pag-iingat at bilang prayoridad ang kaligtasan ng publiko at mga kawani ng pamahalaan, ipinapaalam ng LTO MIMAROPA Region na alinsunod sa Memorandum Circular No. 129 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang Work-from-Home (WFH) arrangement bukas, Agosto 19, 2026, sa lahat ng opisina ng LTO MIMAROPA sa Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Ang hakbang na ito ay tugon sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, na maaaring magdulot ng pagbaha, madulas na mga kalsada, at iba pang panganib sa paglalakbay.
Dahil dito, hinihikayat ang publiko na unahin ang kaligtasan at ipagpaliban muna ang mga planong personal na transaksyon sa mga opisina ng LTO sa nasabing mga lugar. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa bukas ay maaaring ipagpatuloy sa sandaling maibalik ang regular na operasyon ng mga opisina.