22/07/2026
𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗧𝗢. 𝗡𝗜Ñ𝗢
Nais po ng 𝗦𝗞 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶ñ𝗼 na linawin at pabulaanan ang mga kumakalat na maling impormasyon na nagsasabing hindi kami sumusuporta o nagbibigay ng oportunidad para sa 𝘃𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 sa ating barangay.
Bago pa man magsimula ang 𝗦𝗞 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀𝗙𝗲𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲, kabilang na talaga sa aming mga nakaplanong aktibidad ang pagsasagawa ng 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 bilang bahagi ng aming layunin na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataang manlalaro na maipakita ang kanilang talento at mapaunlad ang kanilang kakayahan.
Sa kabila nito, bago pa man maisakatuparan ang naturang liga, nakarating na sa amin ang iba't ibang maling impormasyon at paninirang naglalayong sirain ang pangalan at kredibilidad ng SK Council, kaya aming napagpasyahan na huwag na lamang itong ituloy. Bilang mga lingkod-bayan, bukas po kaming tumatanggap ng mga puna, mungkahi, at maging ng konstruktibong kritisismo, sapagkat naniniwala kaming mahalaga ito sa mas maayos na paglilingkod sa ating komunidad.
Gayunpaman, hinihiling po namin na ang anumang saloobin o hinaing ay ipahayag sa tamang paraan at batay sa katotohanan. 𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗲𝗿𝗶𝗽𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗦𝗞 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹, 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗺𝗮𝗵𝗲 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆.
Nais din naming linawin na wala po kaming kinikilingan o pinipiling paglingkuran. Ang bawat programa at proyekto ng SK Council ay nakalaan para sa lahat ng kabataang residente ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶ñ𝗼, nang walang pinipili o itinatangi.
𝗔𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗸𝗮-𝗵𝗮𝗸𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁. 𝗨𝗺𝗮𝗮𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮, 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝘁𝗼, 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮.
Maraming salamat po.
— 𝙎𝙆 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙎𝙩𝙤. 𝙉𝙞ñ𝙤