27/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ข๐ ๐๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ: ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฎ๐น, ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐๐ โ๏ธ๐ฉบ
Bilang pakikiisa sa Synchronized Nationwide Jail Decongestion, matagumpay na isinagawa ang โPaghilom at Hustisya sa Likod ng mga Rehasโ Legal and Medical Caravan sa pangunguna ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) โ Oriental Mindoro Chapter, katuwang ang Oriental Mindoro Medical Society, para sa kapakinabangan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Pinangunahan ang makabuluhang gawaing ito ni Atty. Charlotte Aguba-Goco, Pangulo ng IBP Oriental Mindoro Chapter, kasama ang mga miyembro ng samahan ng mga abogado na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang magbigay ng serbisyong legal at makatulong sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga PDL.
Kasabay nito, isinagawa rin ang Medical Mission sa pangunguna ni Dr. Ralph Reyes, katuwang ang Oriental Mindoro Medical Society, upang mabigyan ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan, konsultasyon, at medikal na atensyon ang mga PDL.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng sektor ng batas at kalusugan, muling pinatunayan na ang paghahatid ng hustisya at pagkalinga ay hindi natatapos sa mga pintuan ng piitan. Sa likod ng mga rehas, nananatiling buhay ang pag-asa, dignidad, at pagkakataong magsimula muli.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno at paggabay ng Acting District Jail Warden na si ๐๐ฆ๐๐ก๐ฆ๐ฃ ๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐ง ๐๐๐ก๐๐จ๐ฃ๐ข๐ก, at ni ๐๐ฆ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ง ๐๐๐ข๐๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐๐ข, ๐๐ฆ๐, Regional Director ng Jail Bureau.
---------------------------------------
Para sa iba pang mga update, i-follow ang BJMP Calapan City District Jail at ang opisyal na page ng BJMP Regional Office Mimaropa. โ๏ธ