Konsehal RC Concepcion

Konsehal RC Concepcion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Konsehal RC Concepcion, Calapan.
(1)

Robert Concepcion's official page - Your Reliable Councilor πŸ’™πŸ§‘

Chairperson:

Committee on Budget, Finanace and Appropiation
Committee on Agriculture
Committee on Games and Amusement

21/07/2026

πŸ—πŸπŸ π‡πŽπ“π‹πˆππ„, π’πŽπŽπ 𝐈𝐍 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍! πŸ“žβš‘οΈ

Quick response to emergencies of any kind, now 3 numbers away! ☎️

9️⃣1️⃣1️⃣ Emergency Response Hotline, coming soon in Calapan City this September!πŸ›‘οΈ

Dahil sa pagtugon sa anumang kalamidad at emergencies, π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” 𝗕𝗔π—ͺ𝗔𝗧 π—¦π—˜π—šπ—¨π—‘π——π—’!

07/07/2026
πŒπ”π‹πˆππ† ππ€π†πŠπˆπ‹π€π‹π€ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐆 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ! πŸ†πŸ’™Isa na namang karangalang maipagmamalaki ng Lungsod ng Calapan! Muling kinila...
01/07/2026

πŒπ”π‹πˆππ† ππ€π†πŠπˆπ‹π€π‹π€ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆπƒπ€πƒ 𝐍𝐆 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ! πŸ†πŸ’™

Isa na namang karangalang maipagmamalaki ng Lungsod ng Calapan! Muling kinilala ang City Government of Calapan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ISO 9001:2015 Certification, isang patunay ng patuloy na pagpapaunlad ng mga programa, sistema, at serbisyong inihahatid para sa bawat CalapeΓ±o.

Eksaktong 16 na taon mula nang unang matanggap ang prestihiyosong sertipikasyong ito noong Hunyo 29, 2010, muling pinagtibay ng lungsod ang dedikasyon nito sa mahusay, episyente, at de-kalidad na pamamahala sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Doy Leachon, katuwang ang buong CGC ISO Team sa pangunguna ni Quality Management Representative Engr. Jojo Reyes.

Pormal na iginawad ng Certification International Philippines, Inc. (CIPI) ang sertipikasyon sa isang awarding ceremony na ginanap sa City Hall Complex. Kasabay nito ang unveiling ng Quality Management System Certification Mark, na dinaluhan ng 10th Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Bim Ignacio, mga department heads, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Mabuhay ang City Government of Calapan! Patuloy nating isulong ang serbisyong may kalidad, may integridad, at tunay na world-class para sa bawat CalapeΓ±o. πŸ’™

ππ‘πŽπ†π‘π„π’π’ 𝐈𝐍 π€π‚π“πˆπŽπ, ππ‘πˆπƒπ„ 𝐈𝐍 πŽπ”π‘ ππ„πŽππ‹π„ πŸ’™πŸ›οΈMuling nagsama-sama ang mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod para sa i...
24/06/2026

ππ‘πŽπ†π‘π„π’π’ 𝐈𝐍 π€π‚π“πˆπŽπ, ππ‘πˆπƒπ„ 𝐈𝐍 πŽπ”π‘ ππ„πŽππ‹π„ πŸ’™πŸ›οΈ

Muling nagsama-sama ang mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod para sa ika-51st Regular Session upang pag-usapan at pagdesisyunan ang mga panukalang magbibigay ng positibong pagbabago at mas maayos na serbisyo para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Calapan.

Naging espesyal din ang araw sa pagdalo ni Steph Lacuata, ang 2nd Place Winner ng The Voice Teens Philippines, na nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan dahil sa kanyang kahusayan, determinasyon, at pagmamahal sa edukasyon.

Bilang isang City Scholar at kasalukuyang estudyante ng Bachelor of Science in Computer Engineering sa Divine Word College of Calapan, ipinapakita ni Steph na posibleng pagsabayin ang pag-abot sa mga pangarap at ang pagtatagumpay sa pag-aaral.

Ang kanyang kuwento ay paalala na ang tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at suporta ng komunidad. Patuloy nating palakasin ang mga programang nagbibigay ng oportunidad at inspirasyon sa bawat CalapeΓ±o.

Sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad, mas matatag, at mas makabagong Calapan para sa lahat. πŸ’™

πƒπ„π‚πˆπ’πˆπŽππ’ 𝐓𝐇𝐀𝐓 πŒπ€π“π“π„π‘ πŸ›οΈπŸ’™Matagumpay na isinagawa ang ika-50 Regular Session ng 10th Sangguniang Panlungsod ng Calapan Ci...
17/06/2026

πƒπ„π‚πˆπ’πˆπŽππ’ 𝐓𝐇𝐀𝐓 πŒπ€π“π“π„π‘ πŸ›οΈπŸ’™

Matagumpay na isinagawa ang ika-50 Regular Session ng 10th Sangguniang Panlungsod ng Calapan City kung saan patuloy na tinalakay ang mga mahahalagang ordinansa, resolusyon, at iba pang usaping naglalayong maghatid ng mas maayos, episyente, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Calapeño. 🀝

Sa bawat sesyon, hindi lang ito simpleng pag-uusap, kundi tuloy-tuloy na pagkilos upang masigurong ang mga programang ipinatutupad ay tunay na kapaki-pakinabang, abot-kamay, at ramdam ng mamamayan. πŸ’™

Ito ay patunay na ang bawat talakayan sa konseho ay nagiging konkretong hakbang patungo sa mas maunlad at mas maayos na lungsod.

π‡πŽππŽπ‘πˆππ† 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄, πˆππ’ππˆπ‘πˆππ† 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 πŸ’™πŸ‡΅πŸ‡­Muling nagtipon ang mga kawani ng City Government of Calapan para sa lingguhan...
08/06/2026

π‡πŽππŽπ‘πˆππ† 𝐄𝐗𝐂𝐄𝐋𝐋𝐄𝐍𝐂𝐄, πˆππ’ππˆπ‘πˆππ† 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 πŸ’™πŸ‡΅πŸ‡­

Muling nagtipon ang mga kawani ng City Government of Calapan para sa lingguhang flag ceremony na pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio, mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, department heads, at mga empleyado ng pamahalaang panlungsod, kasama ang Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) bilang lead department.

Naging tampok sa programa ang pagkilala sa mga indibidwal na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating lungsod sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon, kahusayan, at natatanging ambag sa komunidad.

Kabilang sa mga pinarangalan si Mr. Nelmar Telmo ng CSWDD para sa kanyang ipinakitang katapatan bilang huwarang kawani, ang mga talentadong artistang lumikha ng mural art para sa β€œKulayan ang Karagatan para sa Kalayaan,” at si Ms. Patricia Paner, EnP, na matagumpay na nakapasa sa 2026 Environmental Planning Licensure Examination.

Ang kanilang mga natamo ay patunay na ang pagsisikap, integridad, at pagmamahal sa serbisyo ay nagbubunga ng tagumpay at nagiging inspirasyon sa iba.

Mabuhay ang mga CalapeΓ±ong patuloy na nagpapakita ng kahusayan at nagbibigay dangal sa ating lungsod! πŸ‘πŸ’™

03/06/2026

Naisahan mo ako dun Vice Mayor Bim Ignacio ah! 🀣

𝐀 πŒπŽππ“π‡ πŽπ… 𝐍𝐄𝐖 πŒπˆπ‹π„π’π“πŽππ„π’ 𝐀𝐍𝐃 π‚πŽππ“πˆππ”π„πƒ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™Sa isinagawang unang flag ceremony para sa buwan ng Hunyo sa City Hal...
02/06/2026

𝐀 πŒπŽππ“π‡ πŽπ… 𝐍𝐄𝐖 πŒπˆπ‹π„π’π“πŽππ„π’ 𝐀𝐍𝐃 π‚πŽππ“πˆππ”π„πƒ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’™

Sa isinagawang unang flag ceremony para sa buwan ng Hunyo sa City Hall Complex, muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlungsod ng Calapan ang kanilang sama-samang layunin na maghatid ng mahusay at makabagong serbisyo para sa bawat mamamayan.

Pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio, kasama ang mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, department heads, at mga kawani ng lungsod, ang pagsisimula ng panibagong buwan ng pagtatrabaho at paglilingkod.

Isa sa mga tampok na kaganapan ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Calapan at GCash, na magbibigay-daan sa mas mabilis, ligtas, at maginhawang cashless transactions para sa ilang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Binigyang-pagkilala rin ang mga mag-aaral ng Divine Word College of Calapan – School of Architecture and Fine Arts matapos nilang maiuwi ang karangalan bilang Best Overall Project for Urban and Landscape Design sa The Filipino Times Global Student Competition 2026 sa pamamagitan ng kanilang konseptong β€œLa Isla de Mina.”

Patunay ang mga tagumpay at inisyatibong ito na patuloy na umuusad ang Calapan tungo sa mas moderno, mas episyente, at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat. πŸ’™β˜οΈ

π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ, π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ πŸ‡΅πŸ‡­Sa ginanap na weekly flag ceremony ng City Government of Calapan na pinanguna...
25/05/2026

π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 π‹πˆππ†π†πŽ, π’πˆπŒπ”π‹π€ 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆππ†πŠπŽπƒ πŸ‡΅πŸ‡­

Sa ginanap na weekly flag ceremony ng City Government of Calapan na pinangunahan nina City Mayor Doy Leachon, City Vice Mayor Bim Ignacio, mga miyembro ng 10th Sangguniang Panlungsod, department heads, at mga kawani ng pamahalaang panlungsod katuwang ang City Information Office bilang lead department, muling itinampok ang mga empleyadong nagsisilbing inspirasyon sa pamamagitan ng tapat at mahusay na paglilingkod sa mamamayan.

Kinilala bilang Model Employee of the Month para sa buwan ng Abril si Ms. Diane Fatima Castillo, RSW ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD) dahil sa kanyang dedikasyon at malasakit sa serbisyo publiko. Pinarangalan din bilang nominee si Mr. Nikie Abac ng City Assessor’s Department. πŸ‘

Ang kanilang pagiging masipag, responsable, at may pusong lingkod-bayan ay patunay ng tunay na serbisyong may integridad at malasakit para sa bawat CalapeΓ±o. πŸ’™

14/05/2026

Asahan nyo po na laging katuwang ang 10th Sangguniang Panlungsod para sa mga programang . πŸ’™πŸ§‘

Address

Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal RC Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Konsehal RC Concepcion:

Shortcuts

Share