06/01/2026
PRO MIMAROPA, Muling Pinagtibay ang Paninindigan sa Kapayapaan at Kaligtasan ng Publiko sa Gitna ng Banta ng mga Armadong Grupong Komunista
Camp BGen Efigenio C Navarro, Calapan City β Muling pinagtibay ng Police Regional Office MIMAROPA, sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN JOVENCIO S BADUA, JR, ang matibay nitong paninindigan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko, gayundin ang katatagan ng mga pamayanan sa buong Rehiyon ng MIMAROPA, sa gitna ng nagdaang kaganapang may kaugnayan sa banta ng mga armadong grupong komunista.
Sa isang pahayag, ipinaabot ni PBGEN BADUA ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa ipinakitang katapangan, propesyonalismo, at dedikasyon ng mga pwersa ng pamahalaan, gayundin sa aktibong pakikiisa at kooperasyon ng mga komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
"Bilang Ama ng buong kapulisan ng MIMAROPA, lagi natin isasaisip na ang kapayapaan ay pinananatili sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ibaβt ibang sektor ng lipunan, kung saan may mahalagang ambag ang mga pamilya at komunidad sa pagtiyak ng isang ligtas at matatag na kinabukasan."
βAng kapayapaan ay hindi lamang tungkulin ng mga alagad ng batas. Ito ay kolektibong pananagutan ng bawat pamilya, bawat komunidad, at bawat mamamayan,β aniya.
Muling tiniyak ng PRO MIMAROPA ang patuloy nitong pakikipagtulungan sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mga lokal na pamahalaan, paaralan, mga magulang, at iba pang sektor ng komunidad upang masiguro ang isang mapayapa at ligtas na kapaligiran para sa lahat at maprotektahan ang karapatang pantao.
βPanahon na upang gisingin natin ang pusong tunay na makabayanβisang pagmamahal sa bayan na nakaugat sa kapayapaan, pagkakaisa, at paggalang sa buhay,β pagtatapos ng Regional Director.
"π©πππππ π·π΅π· ππππ ππ π©πππππ π·ππππππππ: πΊπππππππππ π΄ππππππ, π»ππππ, ππ π΅πππππππ
ππππ"