Provincial Agriculturist's Office - Oriental Mindoro

Provincial Agriculturist's Office - Oriental Mindoro Kaagapay ng bawat magsasaka at mangingisda, katuwang sa masaganang kinabukasan.

๐๐€๐ ๐Ž, ๐๐ก๐ข๐ฅ๐‘๐ข๐œ๐ž, ๐€๐“๐ˆ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐€๐„๐–๐ฌ ๐จ๐ง ๐‚๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ญ๐ž-๐‘๐ž๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐ญ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐œ๐ญ๐ข๐œ๐ž๐ฌPatuloy na pinapalakas ng Pamahalaang...
04/09/2026

๐๐€๐ ๐Ž, ๐๐ก๐ข๐ฅ๐‘๐ข๐œ๐ž, ๐€๐“๐ˆ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐€๐„๐–๐ฌ ๐จ๐ง ๐‚๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ญ๐ž-๐‘๐ž๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐ญ ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐œ๐ญ๐ข๐œ๐ž๐ฌ

Patuloy na pinapalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang kakayahan ng mga rice farmers at agricultural extension workers upang maging mas handa at makapagpatuloy sa produksyon sa harap ng climate change at matinding tagtuyot.

Noong Setyembre 2โ€“4, 2026, isinagawa ang tatlong araw na training na โ€œ๐‘บ๐’–๐’”๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’๐’† ๐‘น๐’Š๐’„๐’† ๐‘ญ๐’‚๐’“๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‰๐’“๐’๐’–๐’ˆ๐’‰ ๐‘ช๐’๐’Š๐’Ž๐’‚๐’•๐’†-๐‘น๐’†๐’”๐’Š๐’๐’Š๐’†๐’๐’• ๐’‚๐’๐’… ๐‘จ๐’…๐’‚๐’‘๐’•๐’Š๐’—๐’† ๐‘ท๐’“๐’‚๐’„๐’•๐’Š๐’„๐’†๐’”โ€ sa DA-ATI MIMAROPA Training Center, Brgy. Barcenaga, Naujan.

Pinangunahan ito ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO), katuwang ang DA-PhilRice Los Baรฑos at DA-ATI MIMAROPA, at nilahukan ng Local Farmer Technicians (LFTs), farmer leaders, at Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng lalawigan.

Sa training, ibinahagi ng PhilRice ang mga teknolohiya at praktis para sa climate-resilient rice farming, kabilang ang PalayCheck System, Alternate Wetting and Drying (AWD), drought-tolerant rice varieties, pest and disease management, at nutrient at soil health management.

Mayroon ding hands-on at field demonstration sa wastong pag-install at paggamit ng AWD tube para sa mas mahusay na pamamahala ng tubig sa palayan.

Bahagi ito ng paghahanda ng lalawigan sa mga posibleng epekto ng El Niรฑo, upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka na makaangkop sa tagtuyot at mabawasan ang epekto nito sa produksyon.

Nagpaabot ng suporta sina Provincial Agriculturist Christine M. Pine at DA-ATI MIMAROPA Center Director Pat Andrew Barrientos, habang pinangunahan naman ni Ms. Michelle C. Quimbo, Supervising Science Research Specialist ng PhilRice Los Baรฑos, ang pagbabahagi ng teknikal na kaalaman sa pagsasanay.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng PAgO, katuwang ang DA-ATI MIMAROPA, PhilRice, at iba pang institusyon, ang mga hakbang tungo sa isang mas handa, matatag, at climate-resilient na rice sector sa Oriental Mindoro.

๐ŸŒพ Mas handang magsasaka. Mas matatag na palayan. Mas matibay na food security.

03/09/2026
๐‚๐’ ๐Œ๐š๐ฉ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐Ÿ‘: ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ค๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ข๐ง ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จGinanap ngayong Setyembre 2, 2026 ang ikatlo at ...
03/09/2026

๐‚๐’ ๐Œ๐š๐ฉ ๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐Ÿ‘: ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ค๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ข๐ง ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ

Ginanap ngayong Setyembre 2, 2026 ang ikatlo at huling workshop sa ilalim ng proyekto ng DA-PhilRice na โ€œClimate-smart Maps for Strengthening the Adaptation Plans of Farming Communitiesโ€ (CS Map Project), na naglalayong makatulong sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga farming communities na umangkop sa mga epekto ng pagbabago ng klima.

Pinangunahan ang aktibidad ng DA-PhilRice, sa pangunguna ni Dr. Michelle Quimbo, katuwang ang Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine.

Sa workshop, inilahad ng CS Map Team ang mga resulta ng mga naunang konsultasyon at workshop, partikular ang pagtukoy at pagmamapa ng mga climate-related risks na nakaaapekto sa industriya ng pagpapalay sa lalawigan.

Tinalakay din ang mga posibleng climate adaptation strategies, kabilang ang mga instrumento at polisiya na maaaring makatulong sa pagpapatupad ng mga natukoy na hakbang.

Nakiisa sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa DA-Regional Field Office, Agricultural Training Institute (ATI), National Irrigation Administration (NIA), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Government - Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), City at Municipal Agriculture Offices, PAFC Rice Committee, at mga kooperatiba ng mga magsasaka.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, ng mga hakbang na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at paghahanda ng mga magsasaka sa mga hamon ng pagbabago ng klima.

Bagamaโ€™t ito na ang huling workshop sa ilalim ng proyekto, hindi dito nagtatapos ang pagkilos. Ang mga nabuong climate-smart maps at adaptation strategies ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagpaplano at paggawa ng mga desisyong makatutulong sa rice sector ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga organisasyon ng mga magsasaka, layunin nating maisulong ang mas maagap, mas koordinado, at mas climate-resilient na pagpaplano para sa industriya ng pagpapalay sa Oriental Mindoro. ๐ŸŒฑ๐Ÿ’š

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎNagkaroon ng pagpupulong ang Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO...
03/09/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ

Nagkaroon ng pagpupulong ang Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) katuwang ang DA-AMAD MIMAROPA sa Dayton International Corporation, noong Setyembre 1, 2026 upang talakayin ang potensyal na market linkage para sa mga produktong agrikultural ng Oriental Mindoro. Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa mga farmer groups at agricultural stakeholders upang mapalawak ang access ng mga lokal na magsasaka sa lokal at pandaigdigang merkado.

๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ฌHabang patuloy na lumalakas ang produksyon ng ...
28/08/2026

๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€, ๐๐ข๐ง๐š๐›๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐’๐ข๐›๐ฎ๐ฒ๐š๐ฌ

Habang patuloy na lumalakas ang produksyon ng sibuyas sa MIMAROPA, nagsama-sama ang mga magsasaka, pamahalaan, pribadong sektor, akademya, at iba pang stakeholder upang balangkasin ang susunod na direksyon ng industriya sa isinagawang Updating of the MIMAROPA Onion Industry Roadmap para sa taong 2026โ€“2030 sa San Jose, Occidental Mindoro, mula Agosto 25 hanggang 27, 2026.

Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA)-MIMAROPA High Value Crops Development Program (HVCDP) sa pakikipagtulungan ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ang aktibidad na dinaluhan ng mga magsasaka at farmer organizations, input providers, national government agencies, provincial at municipal local government units sa rehiyon, mga kinatawan ng State Universities and Colleges (SUCs), cold storage owners, at traders.

Layunin ng pag-update ng roadmap na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng onion industry, tukuyin ang mga hamon sa buong value chain, at bumuo ng mga estratehiya upang mapalakas ang industriya sa mga susunod na taon.

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐, ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‡๐”๐’๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐’๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐€๐๐ˆ Hindi nagtatapos sa pag-aani ang pangangalaga sa isang pro...
27/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐, ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‡๐”๐’๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐’๐ˆ๐–๐€ ๐๐† ๐€๐๐ˆ

Hindi nagtatapos sa pag-aani ang pangangalaga sa isang produkto. Ang wastong postharvest handling ay mahalaga upang mapanatili ang kalidad, kasariwaan, at marketability ng ani at mabawasan ang pagkalugi.

Noong Agosto 25โ€“26, 2026, isinagawa ang ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐จ๐ง ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ก๐š๐ซ๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ ๐‡๐š๐ง๐๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐•๐š๐ฅ๐ฎ๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ซ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐ซ๐จ๐ฉ๐ฌ sa Provincial Demonstration Farm, Merit, Victoria, Oriental Mindoro. Bahagi ito ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES) at ng High Value Commercial Crops (HVCC) Production Program ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine.

Lumahok sa dalawang araw na pagsasanay ang 35 HVCC growers mula sa iba't ibang samahan ng mga magsasaka sa lalawigan. Nakatuon ang training sa wastong postharvest handling ng mga pangunahing high-value crops tulad ng saging, kalamansi, at lowland vegetables.

Naging resource speakers sina Engr. Ryan Anthony O. Lualhati, Ms. Daphne Cassandra Hilario-Gonzales, at Ms. Grace Anne P. Alcantara-Espinosa mula sa Postharvest Horticulture Training and Research Center (PHTRC), University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB).

Tinalakay sa pagsasanay ang mga wastong pamamaraan sa packing house operations, storage, transportasyon, at distribution, gayundin ang iba't ibang PHTRC technologies na maaaring gamitin upang mapanatili ang kalidad ng ani at mabawasan ang postharvest losses.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, nabibigyan ang ating mga magsasaka ng dagdag na kaalaman at praktikal na gabay upang mas mapangalagaan ang kanilang produkto mula harvest hanggang market.

๐ŸŒฑ Mas maayos na postharvest practices, mas kaunting pagkalugi, at mas mataas na halaga ng ani.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng PAgO, ang mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka at nagpapahusay sa kalidad at marketability ng mga produktong agrikultural ng lalawigan.

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€-๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€25 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan - Higi...
25/08/2026

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€-๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€

25 Agosto 2026, Lungsod ng Calapan - Higit pang pinalalakas ang mga hakbang tungo sa mas likas-kayang kaunlaran ng mga baybayin at sektor ng pangisdaan sa lalawigan.

Kaugnay nito, nagpatuloy ang ikatlo at huling serye ng Integrated Coastal Resource Management (ICRM) Planning Workshop sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Nagsimula ngayong araw ang tatlong araw na pagsasanay sa pagbabalangkas ng Integrated Coastal Resource Management Plan (ICRMP) para sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Naujan, at Lungsod ng Calapan.

Magsisilbing gabay ng Pamahalaang Nasyunal at Pamahalaang Lokal ang ICRMP sa pagbuo ng mga polisiya tungo sa higit pang pagpapaunlad at pangangalaga ng mga baybayin sa lalawigan at sa mga likas na yamang matatagpuan dito.

Gayundin, mas mapalalakas ang mas likas-kayang kabuhayan sa sektor ng pangisdaan para sa mga komunidad na umaasa sa yamang dagat bilang kanilang pangunahing pinagkakakitaan.

Inisyatiba ang nasabing gawain ng Conservation International Philippines, sa ilalim ng Transformative Actions for Climate and Ecological Protection and Development (TRANSCEND) Project.
Katuwang dito ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Christine Pine.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Municipal LGUs ng mga nasabing bayan at lungsod, mga kinatawan mula sa iba't ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan at National Government Agencies.

๐Ÿค๐ŸŒพ ๐—ฃ๐—”๐—™๐—˜๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผMas pinagtibay ang p...
20/08/2026

๐Ÿค๐ŸŒพ ๐—ฃ๐—”๐—™๐—˜๐—ฆ ๐— ๐—ข๐—” ๐—ฆ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

Mas pinagtibay ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders para sa mas koordinado at mas responsive na serbisyo sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng Oriental Mindoro.

Noong Agosto 19, 2026, matagumpay na isinagawa ang PAFES MOA Signing Ceremony sa Oriental Mindoro bilang bahagi ng pagpapatupad ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension System (PAFES) ng Department of Agriculture.

Isinagawa ito sa facilitation ng DA-MIMAROPA, sa pangunguna ni IDU Chief Ms. Hazel Gardoce, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO).

Nakiisa rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa DTI, NIA, PCA, ATI, BFAR, NFA, Philippine Agriculture and Fisheries Council (PAFC), at Oriental Mindoro Water Users Federation, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagpapatupad ng PAFES.

Bilang bahagi ng aktibidad, ipinresenta ng PAgO ang Collaborative Provincial Agriculture and Fisheries Extension Program (CPAFEP), na magsisilbing gabay sa koordinasyon at pagtutulungan ng mga katuwang na ahensya at stakeholders para sa pagpapaunlad ng 12 pangunahing agricultural commodities ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng mas maayos na koordinasyon at sama-samang pagkilos, layunin ng CPAFEP na mapalakas ang produksyon, kita, at kakayahang makaangkop ng mga magsasaka at mangingisda sa mga hamon ng panahon at klima.

๐ŸŒฑ Mas nagkakaisang serbisyo. Mas koordinadong aksyon. Mas matatag na agrikultura at pangisdaan para sa Oriental Mindoro.

Address

Provincial Capitol Complex, Camilmil
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+432867791

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Agriculturist's Office - Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Provincial Agriculturist's Office - Oriental Mindoro:

Shortcuts

Share