Provincial Budget Office - Oriental Mindoro

Provincial Budget Office - Oriental Mindoro Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Provincial Budget Office - Oriental Mindoro, Government Organization, Oriental Mindoro, Calapan.

14/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐— ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ก๐—–๐—˜๐—ฅ.

Bilang isang Cancer Access Site na napili ng Department of Health (DOH), ang Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ay mayroong LIBRENG GAMUTAN para sa mga pasyenteng may CANCER. Ang mga Laboratory at Radiology na hindi available sa OMPH ay maaari ring i-avail sa Luna Goco Medical Center sa Lungsod ng Calapan sa tulong ng Cancer Assistance Fund. Para sa iba pang detalye basahin ang mga sumusunod:

Sa programang ito ay nakapaloob ang 8 uri ng Cancers:

โ—ฝBreast Cancers
โ—ฝChildhood Cancers
โ—ฝGynecologic Cancers
โ—ฝLiver, Colorectal at Digestive Cancers
โ—ฝAdult Blood Cancers
โ—ฝHead and neck Cancers kasama ang (thyroid)
โ—ฝLung Cancer
โ—ฝProstate, Renal and Urinary Bladder Cancers

Mga dokumentong kailangan:

๐Ÿ“ŒMedical/clinical Abstract o Social worker Case Study
๐Ÿ“ŒMedical Certificate
๐Ÿ“ŒOPD sheet Mula sa OMPH
๐Ÿ“ŒValid ID
๐Ÿ“ŒPhilHealth ID
๐Ÿ“ŒPWD/Senior Citizen card
๐Ÿ“ŒReseta (Prescription) mula sa Oncologist
๐Ÿ“ŒTreatment Plan mula sa Oncologist

14/08/2026

๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Bilang parte ng pagdiriwang ng Youth Day/Linggo ng Kabataan, mahalagang napag-uusapan ang papel na ginagampanan ng kabataan sa progreso ng pamayanan. Sa panahon ngayon, hati pa rin ang opinyon ng mamamayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Sangguniang Kabataan sa Pamunuang Barangay.

๐˜๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ โ€œ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ปโ€ ๐˜ˆ. ๐˜‹๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ
๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ช๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ
(๐˜‹๐˜ฆ๐˜ค. 04, 1992 - June 30, 2001)

Sa loob ng halos siyam (9) na taon, nag lingkod ako bilang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Adrialuna, Naujan. Sa edad ng labing-lima (15 years old), namulat at nahasa ako sa mundo ng polisya, aktibidad at programang pagpapaunlad ng kabataan. Naging bahagi ako ng ibaโ€™t ibang organisasyon at samahang naging matibay na sandalan ko sa paglilingkod. Ito rin ang bukas ng pinto sa mga oportunidad na lubos na humasa sa aking kakayahan at kaalaman. Sa kabuuan, naging malaking bahagi ang katungkulang ito sa kung sino ako sa kasalukuyan.

Sa nalalapit na Barangay Eleksyon, hinihikayat ko ang mga kabataang makilahok. Sa mga nagnanais tumakbo, siguraduhing handa sa responsibilidad na kalakip ng posisyon. Sa mga boboto, kilalaning maigi ang mga taong pagkakatiwalaan ng inyong boto.

Ikaw, sinong SK Chairperson mo?

11/08/2026
29/07/2026

๐’๐”๐’๐๐„๐Š ๐’๐€ ๐๐€๐†๐Š๐€๐–๐€๐‹๐€ ๐๐ˆ ๐’๐„๐€ ๐†๐€๐Œ๐„๐’ ๐†๐Ž๐‹๐ƒ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐Œ๐„๐‘๐•๐ˆ๐ ๐†๐”๐€๐‘๐“๐„ ๐€๐‘๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž ๐’๐€ ๐“๐€๐‘๐‹๐€๐‚.

July 28, 2026 - 2:40PM ng hapon naaresto sa Barangay Banaba, Bamban, Tarlac ang isang 35 anyos na lalaki na suspek sa pagpanaw ni Sea Games Gold Medalist Mervin Guarte sa ginawang Oplan Sea Games ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ng Regional Intelligence Division 4B (MIMAROPA) kasama ang Tarlac Provincial Police Office, Bamban Municipal Police Station at iba pang mga opisyal.

January 7, 2025 ginising ng isang nakakalungkot na balita ang lalawigan sa pagpanaw ng isang magaling na atleta, mabuting anak at responsibleng ama. Matapos ang isang taon, sa tulong ng ating kapulisan, mahaharap na sa hukuman ang suspek sa pagpanaw ng atleta.

Kasabay ng panalangin natin sa kapayapaan ng kaluluwa ni Mervin ay ang panalangin nating mangibawbaw ang hustisya.

Pagbati sa Philippine National Police (PNP) lalot higit sa Police Region Office MIMAROPA sa matagumpay na operasyon. Maraming salamat sa hindi pagbitaw at patuloy na pagsusumikap na makamtan ang hustisya.

Address

Oriental Mindoro
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Provincial Budget Office - Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share