13/08/2026
π§οΈπ€ TULONG AT PAG-ASA SA PANAHON NG KALAMIDAD π€π§οΈ
Sa gitna ng patuloy na pagbaha at pananalasa ng Bagyong Maymay, nagsagawa ang Barangay Poblacion West ng pamamahagi ng relief goods para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng kalamidad.
Ang simpleng tulong na ito ay aming munting paraan upang iparamdam sa bawat pamilya na hindi sila nag-iisa sa panahon ng pagsubok. β€οΈ
Lubos ang aming pasasalamat kay Mayor Patrick Agustin Caramat, Congresswoman Rachel Arenas, at sa lahat ng nagpaabot ng tulong at suporta sa ating barangay. Ang inyong malasakit at agarang pagtugon ay malaking bagay para sa ating mga kababayang nangangailangan.
Taos-pusong pasasalamat din mula sa Barangay Council of Poblacion West sa lahat ng barangay officials, volunteers, at mga tumulong upang maging maayos at matagumpay ang pamamahagi.
Sa panahon ng bagyo at pagbaha, bayanihan ang ating lakas. Sama-sama tayong babangon. ππ
Maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo para sa ating mga kabarangay!