10/06/2017
SALAMAT SA PANANAKIT MO
Isang bangungot ang nangyari saakin nang ika'y dumating sa aking buhay. Buhay na nananahimik at bigla mo na lamang ginulo at iniwan na para bang a*o. Hindi ko lubos maisip na ginamit mo lang ako para maibsan ang sakit sa puso mo dahil sa iyong nakaraan. Nakaraang hindi mo kayang talikuran dahil sa minahal mo siya ng lubusan. Ngunit lubusan akong nasaktan nang ako'y iyong iniwan. Iniwang luhaan dahil sa iyong mga pangako na aking pinaniwalaan. Pangakong hindi mo ako iiwan at pasasayahin habang buhay.
Minahal kita ng sobra dahil akala ko ikaw na. Ikaw na ang makakapagpahilom ng aking pusong nasaktan at akala ko ikaw na ang makakasama ko habang buhay. Ikaw ang magpapangiti sakin at magbibigay kulay sa mundo kong madilim. Hindi ko akalaing kaya mo akong lokohin. Lokohin sa mga salitang MAHAL KITA AT IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO. Ngunit dalawa pala kaming pinagsabihan mo ng mga salitang yan.
Iniwan mo na lang ako na parang a*o. Dahil sabi mo sawa kana. Sawa kana sa mga bagay na ginagawa ko. Sabi mo mahal muko pero kailangan mo ng sumuko. Pero ang totoo, iniwan mo ako dahil nas mahal mo parin ang nakaraan mo. Nakaraang walang alam gawin kundi saktan ka. Mas pinili mo ang taong hindi ka naman binibigyan ng halaga kesa sa taong minamahal ka ng sobra. At ngayon, ako'y nasasaktan ng sobra dahil sa iyong pagkawal. Kaya mahal ito lang masasabi ko. SALAMAT SA PANANAKIT MO.