24/05/2026
Mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Tumaway, taus-pusong pasasalamat po sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagtatapos ng Kap Butchie Summer League 2026.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng opisyal at miyembro ng Sangguniang Barangay, lalo na sa ating butihing kapitan na si Nelson Alvarez Caraan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, dedikasyon, at mahusay na pamumuno na naging daan upang maging matagumpay ang ating palaro.
Taos-puso ring pasasalamat sa bawat miyembro ng Sangguniang Kabataan. Ang inyong serbisyo ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating programa para sa kabataan.
Pasasalamat din sa ating mga players, coaches, referees, at mga walang sawang supporters na naglaan ng oras, effort, at suporta upang maging masaya, maayos, at makabuluhan ang ating liga. Dahil sa inyong pakikiisa, naging matagumpay at puno ng sportsmanship ang buong liga.
Sa huli, taos-pusong pagbati sa lahat ng mga manlalarong nagwagi at nagpakitang-gilas sa bawat laro. Ang inyong sipag, disiplina, at dedikasyon ay tunay na inspirasyon sa kabataan ng ating barangay.
Congratulations sa lahat ng teams at players! ๐๐๐