01/07/2026
Mental Health Screening for Children and Youth (4Ps Beneficiaries) – Participant Registration | July 8, 2026
Magandang araw!
Inaanyayahan namin ang mga anak ng 4Ps beneficiaries na lumahok sa Mental Health Screening na gaganapin sa July 8, 2026.
Priority para sa screening na ito ang mga batang NAS (Not Attending School) na kasalukuyang nakararanas o pinaghihinalaang may mga suliranin sa kanilang mental health, emosyonal na kalagayan, o pag-uugali.
Layunin ng screening na ito na makatulong sa maagang pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga bata at kabataan upang maibigay ang nararapat na suporta at referral kung kinakailangan.
Kung nais ninyong iparehistro ang inyong anak, pakisagutan ang form na ito ( https://forms.gle/3RrN88QJrAwXR3HJA )Ang pagsagot sa form ay hindi pa garantiya ng slot. Ang mga mapipiling kalahok lamang ang kokontakin para sa kumpirmasyon ng kanilang pagdalo.
Pakitiyak na tama ang impormasyong ilalagay sa form, lalo na ang edad at kasalukuyang status sa pag-aaral, upang maayos naming maipangkat ang mga kalahok.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa.
https://forms.gle/3RrN88QJrAwXR3HJA
https://forms.gle/3RrN88QJrAwXR3HJA
https://forms.gle/3RrN88QJrAwXR3HJA