11/09/2026
๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐ค๐จ๐๐ฅ๐ง๐๐ฅ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐ช๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ง๐๐ก๐๐ข๐จ๐ฆ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐ค๐จ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda sa mga sakuna at pagpapatibay ng kahandaan ng bawat isa, isinagawa ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Paaralang Elementarya ng Catangtang kahapon, Setyembre 10, 2026.
Sa isinagawang earthquake drill, ipinakita ng mga g**o ang wastong paraan ng pag-iingat sa oras ng lindol sa pamamagitan ng โDUCK, COVER, and HOLD" habang nakasuot ng hard hat helmet. Layunin nitong sanayin ang bawat isa na manatiling kalmado at agad na makagawa ng mga tamang hakbang upang maprotektahan ang sarili sakaling magkaroon ng lindol.
Bagamaโt walang pasok ang mga mag-aaral sa araw ng pagsasagawa ng drill, hindi ito naging hadlang upang sila ay makilahok. Isinagawa rin ng mga mag-aaral ang DUCK, COVER, and HOLD sa kani-kanilang tahanan, kasama ang kanilang mga magulang o kapamilya. Sa ganitong paraan, naipakita na ang kahandaan sa lindol ay hindi lamang responsibilidad ng paaralan kundi ng buong pamilya at pamayanan.
Ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang paalala na ang kahandaan at tamang kaalaman ay maaaring makatulong upang makaiwas sa kapahamakan. Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga g**o, mag-aaral, at kanilang mga pamilya sa anumang lindol o iba pang sakuna.