05/06/2023
Magandang araw!
Sa lahat po ng magpapaprint o nais gumamit ng ating Study Station na estudyante, pwede po kayong pumunta ngayon (June 5, 2023/ Monday) sa atin pong SK Hall. Antayin po namin kayo hanggang 5pm. Salamat!
Mag-ingat po ang lahat!!!
Mapagpalang Araw!
Sa pagdaraos po ng "LINGGO NG KABATAAN" ipinipresenta po ng Sangguniang Kabataan ng Limao ang programang Study Station, kung saan mabibigyan ang mga studyante ng tahimik na lugar upang sila ay makapag-aral.
Iniimbitahan po ang lahat na makibahagi sa pagbubukas ng nasabing programa. Magkita-kita po tayo sa ating SK Hall sa darating na ika-21 ng Agosto, 2022 sa ganap na ala-una ng hapon, Linggo.
Mga serbisyo na nakapaloob dito:
1. Maaaring humiram o gumamit ng laptop at iba pang computer accessories ang mga studyante, NA MAAARI LAMANG GAMITIN SA LOOB NG SK HALL.
2. Libre ang print at photocopy para sa lahat ng studyante na naka-enroll NA MAY KAUGNAYAN LAMANG SA KANILANG PAG-AARAL.
Mangyari lamang na magpresenta ng inyong SCHOOL/STUDENT ID at ENROLLMENT SLIP.
__________
Dahil po sa limitadong kapasidad ng ating SK Hall, hinihikayat po ang bawat studyante na MAGPALISTA muna bago pumunta para masigurado ang inyong pwesto. Mag-iwan na lamang po ng mensahe sa ating page o sa ating mga SK Officials.
Para naman po sa ating mag-aaral sa Sitio na mahihirapan sa pagpunta, maglalaan po kami ng araw upang maiabot kamay ang benepisyo ng nasabing programa.
PAALALA: Ang atin pong Study Station ay hindi computer shop na pwede po nating tambayan o gawing palaruan, ang layunin po nito ay matulungan ang ating mga studyante sa kahit na simple at maliit lamang na paraan.
Ang pagpapala at gabay po ng Panginoon ang sumainyo.