Business Permit and Licensing Office - Calauan, Laguna

Business Permit and Licensing Office - Calauan, Laguna Business Permit and Licensing Office

LGU Calauan Nagsagawa ng Joint Inspection sa mga Negosyo sa Brgy. MasiitMarso 11, 2026 – Ngayong araw, nagsagawa ang Pam...
11/03/2026

LGU Calauan Nagsagawa ng Joint Inspection sa mga Negosyo sa Brgy. Masiit

Marso 11, 2026 – Ngayong araw, nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Calauan, Laguna ng Joint Inspection sa mga negosyo sa Barangay Masiit at Barangay Silangan upang tiyakin na ang lahat ng establisyemento ay sumusunod sa mga umiiral na ordinansa at regulasyon hinggil sa pagkuha ng Business Permit at iba pang kinakailangang clearance.

Ang inspeksyon ay isinagawa ng Joint Inspection Team na binubuo ng mga kinatawan mula sa Business Permits and Licensing Office (BPLO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Planning and Development Office (MPDC), at iba pang kaugnay na tanggapan ng pamahalaang bayan.

Sa isinagawang inspeksyon, may mga negosyong may kumpleto at valid na business permit, habang may ilan namang operating nang walang kaukulang permit mula sa munisipyo.

Ang mga negosyong walang business permit ay binigyan ng Notice of Violation at inaatasang mag-apply at magproseso ng kanilang permit sa loob ng tatlong (3) araw mula sa pagtanggap ng abiso upang maiwasan ang paglabag sa regulasyon.

Kung hindi makakasunod sa itinakdang panahon, ang nasabing negosyo ay maaaring pansamantalang ipasara alinsunod sa mga umiiral na batas at ordinansa ng bayan.

Pinaaalalahanan ng LGU Calauan ang lahat ng negosyante na tiyaking may wastong permit at sumusunod sa mga regulasyon ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan ng publiko, at patas na kalakalan sa ating bayan.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calauan ay patuloy na sumusuporta sa mga lehitimong negosyo habang mahigpit na ipinatutupad ang mga alituntunin para sa kapakanan ng lahat.

08/03/2026

📢 ANUNSYO SA LAHAT NG NIGHT AT DAY MARKET VENDORS
Bayan ng Calauan, Laguna

Inaanyayahan ang lahat ng rehistradong Night and Day Market Vendors na dumalo sa isang mahalagang pagpupulong sa:

📅 Petsa: March 13, 2026 Friday
⏰ Oras: 10:00 ng umaga
📍 Lugar: Mess Hall

Mga Tatalakayin sa Agenda:

1. Final Stall Numbers para sa lahat ng aktibong Night Market Vendors
2. Pag-oorganisa ng Calauan Night and Day Market Vendors Association
3. Iba pang mahahalagang updates at anunsyo

⚠️ Mahalagang Paalala:
• Ang lahat ng rehistradong Night and Day Market Vendors ay inaasahang dadalo sa nasabing pagpupulong.
• Kung sakaling hindi makadalo ang vendor, maaari silang magpadala ng authorized representative upang kumatawan sa kanila.
• Ang hindi pagdalo o hindi pagpapadala ng kinatawan ay maaaring ituring na pagwawaksi (waiver) ng kanilang karapatan kaugnay ng stall allocation at iba pang mga desisyon na tatalakayin sa pagpupulong.
• Huwag kalimutang dalhin ang inyong Business Permit at Night and Day Market Certificates para sa verification.

Inaanyayahan ang inyong pakikiisa upang mas maging maayos, organisado, at patas ang operasyon ng Calauan Night and Day Market.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

– BPLO CALAUAN

MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD LABAN SA MGA NEGOSYONG WALANG BUSINESS PERMIT SA CALAUANMarso 6, 2026Muling pinatunayan ng Busi...
06/03/2026

MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD LABAN SA MGA NEGOSYONG WALANG BUSINESS PERMIT SA CALAUAN

Marso 6, 2026

Muling pinatunayan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Pamahalaang Bayan ng Calauan, Laguna ang kanilang mahigpit na pagpapatupad laban sa mga establisimyentong nag-ooperate nang walang kaukulang business permit at kinakailangang clearances.

Ngayong Marso 6, 2026, nagsagawa ng inspection at enforcement operation ang Joint Inspection Team na binubuo ng mga kinatawan mula sa BPLO, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Sa isinagawang operasyon, ilang establisimyento ang pinatawan ng closure order at nilagyan ng notice of closure matapos mapatunayang hindi sumusunod sa mga kinakailangang business permit at iba pang regulatory clearances na itinakda ng batas at mga lokal na ordinansa.

Ayon sa BPLO, ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaang bayan upang masiguro na ang lahat ng negosyo sa Calauan ay legal, ligtas, at sumusunod sa mga regulasyon ng pamahalaan, kabilang ang mga alituntunin sa kaligtasan, kapaligiran, at wastong pagnenegosyo.

Mahigpit ding pinapaalalahanan ang lahat ng negosyante sa bayan ng Calauan na siguruhing kumpleto at updated ang kanilang business permit at mga kaukulang clearances upang maiwasan ang multa, penalidad, o pagsasara ng kanilang establisimyento.

Ang Pamahalaang Bayan ng Calauan ay nananatiling seryoso sa pagpapatupad ng mga batas at ordinansa upang mapanatili ang kaayusan, patas na kompetisyon sa negosyo, at kaligtasan ng publiko.

Paalala ng Pamahalaang Bayan:
"Ang negosyong sumusunod sa batas ay negosyong may malasakit sa komunidad"

📢 ANUNSYO PARA SA LAHAT NG NEGOSYOBarangay Masiit at Barangay Silangan, CalauanIpinapaalam po sa lahat ng hindi pa nakak...
05/03/2026

📢 ANUNSYO PARA SA LAHAT NG NEGOSYO
Barangay Masiit at Barangay Silangan, Calauan

Ipinapaalam po sa lahat ng hindi pa nakakapag-renew at mag-aapply pa lamang ng business permit sa Barangay Masiit at Barangay Silangan na ang JOINT Inspection Team ay magsasagawa ng inspection mula March 9–13, 2026.

Ang mga negosyong ma-iinspeksyon na walang business permit ay makakatanggap ng NOTICE at bibigyan ng tatlong (3) araw upang makapag-renew o makapag-apply ng business permit.

Simula Lunes, inaanyayahan ang lahat na magtungo sa Business One-Stop Shop (BOSS) na matatagpuan sa Municipal Conference Hall.

Dalhin ang mga sumusunod na requirements:

1. DTI Registration – kung wala pa, maaaring mag-apply sa BOSS.

2. Cedula – kung wala pa, maaaring kumuha sa Barangay o sa BOSS.

3. Kung nangungupahan – dalhin ang Lease Contract o Business Permit ng Lessor.

Kung ang lessor ay wala pang business permit, kinakailangang mag-apply din.

4. Kung kayo ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng negosyo – dalhin ang Tax Declaration at resibo ng bayad sa latest Real Property Tax.

5. Valid ID.

SIMULA LUNES!

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

ANUNSYO PARA SA LAHAT NG NEGOSYOBarangay Perez, Calauan, LagunaIpinapaalam po sa lahat ng hindi pa nakakapag-renew at ma...
27/02/2026

ANUNSYO PARA SA LAHAT NG NEGOSYO
Barangay Perez, Calauan, Laguna

Ipinapaalam po sa lahat ng hindi pa nakakapag-renew at mag-aapply pa lamang ng business permit sa Barangay Perez, Calauan, na ang JOINT Inspection Team ay magsasagawa ng inspection mula March 2–6, 2026 sa Barangay Perez.

Ang mga negosyong ma-iinspeksyon na walang business permit ay makakatanggap ng NOTICE at bibigyan ng tatlong (3) araw upang makapag-renew o makapag-apply ng business permit.

Simula Lunes, inaanyayahan ang lahat na magtungo sa Business One-Stop Shop (BOSS) na matatagpuan sa Municipal Conference Hall.

Dalhin ang mga sumusunod na requirements:

1. DTI Registration – kung wala pa, maaaring mag-apply sa BOSS.
2. Cedula – kung wala pa, maaaring kumuha sa Barangay o sa BOSS.
3. Kung nangungupahan – dalhin ang Lease Contract o Business Permit ng Lessor
4. Notarize Gross Sales

Kung ang lessor ay wala pang business permit, kinakailangang mag-apply din.

4. Kung kayo ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng negosyo – dalhin ang Tax Declaration at resibo ng bayad sa latest Real Property Tax.
5. Valid ID.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

23/02/2026

Sa lahat ng Night Market vendors, magandang gabi po.

Ipinapaalam po namin na inilipat ang ating meeting sa February 25, 2026 (Wednesday), 11:00 AM, na gaganapin sa Messhall.

Inaanyayahan po namin na dumalo lalo na ang mga Night Market vendors na nakakuha ng permit ngunit hindi na nakapagtinda.

Paalala po na dalhin ang inyong Business/Mayor’s Permit at Night Market Certificate sa araw ng meeting.

Maraming salamat po.

TESDA-LLDA PROVINCIAL TRAINING CENTER is offering FREE TESDA COURSES.To register, kindly scan the QR code attached on th...
21/02/2026

TESDA-LLDA PROVINCIAL TRAINING CENTER is offering FREE TESDA COURSES.

To register, kindly scan the QR code attached on the photo below and be a TESDA Scholar now!

ENTRY REQUIREMENTS:
• Can communicate both oral and written
• Physically and mentally fit
• With good moral character
• Can perform basic mathematical computation

COURSES OFFERED:
• Agroentrepreneurship NC II
• Barangay Health Services NC II
• Dressmaking NC II
• Electrical Installation and Maintenance NC II
• Electrical Installation and Maintenance NC III
• Housekeeping NC II
• Organic Agriculture Production NC II
• Shielded Metal Arc Welding NC II
• Trainers Methodology Level I

For more information or concerns, please contact at:
Mobile/Tel. No.: (+63)947-358-0763/(049)521-7427
Email: [email protected].
Address: KM70 Brgy. Bangyas, Calauan, Laguna

Para maging updated sa mga programa at serbisyo ng PESO CALAUAN, maglike, follow at share ng aming page. Maraming Salamat po.

💖 Calauan Night Market: Valentine’s Special for the Community 💖This Valentine’s season, the Calauan Night Market became ...
14/02/2026

💖 Calauan Night Market: Valentine’s Special for the Community 💖

This Valentine’s season, the Calauan Night Market became more than just a place to eat and shop it became a space where community came alive.

Sa simpleng dekorasyon, ilaw, at masasayang tindahan ng ating mga local vendors, ramdam ang diwa ng sama-samang pagdiriwang. Families, couples, at magkakaibigan ang nagtipon hindi lang para mamili, kundi para mag-bonding, mag-support ng lokal na negosyo, at magbahagi ng oras kasama ang isa’t isa.

Hindi lang ito tungkol sa Valentine’s Day. It was about bayanihan, support for small entrepreneurs, and creating opportunities for our local community to grow. Sa bawat stall at ngiti ng vendor, makikita ang bunga ng isang programang nagbibigay-daan sa kabuhayan at pagkakaisa.

Lubos ang pasasalamat ng komunidad sa Pamahalaang Bayan ng Calauan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Roseller G. Caratihan sa pagbibigay ng oportunidad sa ating mga mamamayan. Through initiatives like the Night Market, naipapakita na ang tunay na diwa ng pag-ibig ay ang malasakit sa kapwa at sa komunidad.

💗 More than a Valentine’s celebration—this is love for Calauan.
💗 Support local. Strengthen community. Build Calauan together.

📢 PAANYAYA SA PUBLIKO | CALAUAN NIGHT MARKETInaanyayahan po ng Pamahalaang Bayan ng Calauan ang lahat na makiisa sa Cala...
11/02/2026

📢 PAANYAYA SA PUBLIKO | CALAUAN NIGHT MARKET

Inaanyayahan po ng Pamahalaang Bayan ng Calauan ang lahat na makiisa sa Calauan Night Market: Valentine’s Day Event

📅 Pebrero 12–14, 2026
⏰ 4:00 PM onwards
📍 Calauan Night Market

Magkakaroon ng live band performances, special discounts, at iba’t ibang aktibidad para sa buong pamilya, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso at suporta sa ating mga lokal na negosyante.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Calauan, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Mayor Osel Caratihan, sa patuloy na pagsusulong ng mga programang nagpapalakas sa lokal na ekonomiya at nagtataguyod ng pagkakaisa sa komunidad.

📌 Kita-kits po sa Calauan Night Market!






💘 WEAR YOUR STATUS! 💘​Join us for a 3-day Valentine’s special where the vibe is all about the colors! Pick your shirt co...
10/02/2026

💘 WEAR YOUR STATUS! 💘

​Join us for a 3-day Valentine’s special where the vibe is all about the colors! Pick your shirt color and let’s make the market glow:

​🔴 Red: Inlove
​🔵 Blue: Single
​🟢 Green: Still looking for lover
​🟠 Orange: Inlove with food
​🌑 Navy: Broken hearted
​🟣 Purple: God is love

​📍 THE DETAILS:
​🗓 When: February 12, 13, and 14
📍 Where: Calauan Night Market
✨ What to do: Wear your color-coded shirt and enjoy the food, music, and vibes!
​Don't just come for the street food come for the connection! See you there in your truest colors! 🌈🍟🎸

HAPPENING NOW | BUSINESS ONE STOP SHOP SA CALAUANPinalawig ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Municipalit...
10/02/2026

HAPPENING NOW | BUSINESS ONE STOP SHOP SA CALAUAN

Pinalawig ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Municipality of Calauan ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga negosyong hindi pa nakakapag-apply o nakakapag-renew ng kanilang business permit.

Sa kasalukuyan, dumagsa ang mga business owners na matatagpuan sa Palengke ni Juan upang magsumite ng kanilang aplikasyon para sa business permit.

📌 Mahahalagang Paalala:

⏰ Deadline ng aplikasyon: hanggang Miyerkules, Pebrero 11

📍 Lugar: Municipal Conference Wing

🕗 Oras: 8:00 AM – 5:00 PM

📅 Pebrero 13 (Huwebes): Bababa muli ang BOSS Team upang mag-isyu ng final notice at posibleng pansamantalang ipasara ang mga negosyong hindi pa rin susunod.

Inaanyayahan ang lahat ng business owners na samantalahin ang extension at agad nang mag-apply upang maiwasan ang abala at kaukulang parusa.

Makiisa at sumunod para sa maayos at legal na operasyon ng inyong negosyo.

Address

Municipal Government Extension, Brgy Kanluran
Calauan
4012

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Business Permit and Licensing Office - Calauan, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share