Third Battalion SAF

Third Battalion SAF "By Skill and Virtue, We Triumph"

https://www.facebook.com/share/p/1EL3CsUQMo/
01/10/2025

https://www.facebook.com/share/p/1EL3CsUQMo/

PNP, NAGLUNSAD NG MALAWAKANG DISASTER RESPONSE SA CEBU

Sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., agad na nagpakilos ng buong pwersa ang Philippine National Police upang tumugon sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Cebu at iba pang bahagi ng Visayas kagabi, Setyembre 30, 2025.

Agad na inatasan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang Police Regional Office 7 na i-activate ang Disaster Incident Management Task Group, magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA), at tiyakin ang accounting ng lahat ng personnel at kagamitan.

Ayon kay PLTGen Nartatez, “Naroon na ang ating kapulisan sa mga apektadong lugar upang magbigay seguridad, tumulong sa paglilikas, at tiyakin ang kaayusan habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa lawak ng pinsala ng lindol.”

Batay sa paunang ulat, kabilang sa mga naapektuhan ang sunog sa SM Consolacion, pagbagsak ng tunnel sa Mambaling, pagkasira ng ilang establisimyento sa Cebu City, at pagguho ng simbahan sa Daanbantayan. Nakararanas din ng malawakang brownout ang ilang bayan at lungsod gaya ng Talisay, Bogo, Danao, Toledo, at iba pang lugar sa hilagang Cebu.

Binigyang-diin ni PLTGen Nartatez ang mahigpit na koordinasyon ng PNP sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya ng gobyerno.

“Kasama ng lahat ng frontline agencies at sa ilalim ng gabay ng ating Pangulo, patuloy na nakahanda ang PNP. May nakahanda ring karagdagang pwersa mula sa kalapit-rehiyon upang palakasin ang mga operasyon para sa rescue, relief, at recovery sa Cebu at mga kalapit na lugar,” dagdag pa niya.

Tinitiyak ng PNP ang buong suporta nito para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at matulungan ang mga apektadong komunidad na makabangon sa lalong madaling panahon. Nanawagan din ang PNP sa publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng pamahalaan, at kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na pahayag.

02/07/2025
02/07/2025
02/07/2025

July 2, 2025
Gospel: Matthew 8:28-34
Reflection: Jesus Healed the Two Demoniacs

28/06/2025

June 28, 2025
Gospel: Luke 2:41-51
Reflection: Immaculate Heart

Address

Brgy. Aguit-itan, Calbayog City, Samar
Calbayog
6710

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Third Battalion SAF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share