31/05/2026
Matagumpay na naisagawa ng Kankaloo Fire Rescue NCR 60 at Kankaloo Rescue Riders Eagles Club ang kanilang Day of Balik-Eskwela Program, kung saan mahigit 200 estudyante ang nabigyan ng school supplies at iba pang kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa Hope in Action sa kanilang isinagawang feeding program, na naghatid ng masustansyang pagkain at kasiyahan sa mga kabataan. Ang inyong kabutihan at suporta ay malaking bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.
Ang programang ito ay hindi lamang nagbigay ng mga kagamitan para sa pag-aaral kundi nagbigay rin ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga mag-aaral habang sila ay naghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.