19/07/2026
OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Sa ngalan ng Barangay 156 GO Fire Brigade, nais naming ipabatid sa lahat na si Mr. Kurt Danganan ay pormal nang nagbitiw sa kanyang tungkulin at hindi na bahagi ng GO Fire Brigade, alinsunod sa kanyang sariling desisyon.
Kasabay nito, taos-puso kaming nagpapasalamat sa kanyang naging oras, dedikasyon, at serbisyo habang siya ay miyembro ng aming samahan. Ang kanyang mga naging ambag ay aming pinahahalagahan.
Nawa'y maging matagumpay ang kanyang bagong landas at hangad namin ang kanyang kaligtasan, mabuting kalusugan, at tagumpay sa lahat ng kanyang mga susunod na adhikain.
Maraming salamat, Kurt Danganan. Good luck sa iyong bagong journey, at nawa'y gabayan ka palagi ng Diyos.
Lubos na gumagalang,
Barangay 156 GO Fire Brigade