23/08/2026
SCHEDULE NG LIBRENG ANTI-RABIES VACCINE
Para sa kaligtasan ng buong pamayanan, pabakunahan na ang inyong mga alagang a*o at pusa ng libreng anti-rabies vaccine.
Narito ang schedule ng bakunahan mula August 24 hanggang August 27, 2026 sa pangunguna ng Caloocan City Veterinary Department.
Mahalagang paalala:
• Magsisimula ang bakunahan ng 9:00 am
• Dalhin ang vaccination card ng inyong alaga kung mayroon
• Maaaring kanselahin ang bakunahan kung maulan, upang maiwasang mabasa o magkasakit ang mga alaga
• Hindi maaaring bakunahan ang mga sumusunod:
- Mga alagang tatlong (3) buwang gulang pababa
- Nakakagat sa loob ng nakaraang dalawang linggo
- Buntis o may pinapasusong anak
- May sakit o kasalukuyang ginagamot