30/12/2024
BAWAL ANG BOGA SA CALOOCAN
Kasama po sa mga ipinagbabawal nating paputok sa Lungsod ng Caloocan ang mga boga.
Sa mga magulang na may mga anak na menor de edad, pagbawalan at gabayan po nating maigi ang ating mga anak hinggil sa paggamit ng boga at iba pang ipinagbabawal na paputok.
Ang mga menor de edad na makikitang gumagamit ng boga at iba pang illegal na paputok ay i-tu-turn over sa City Social Welfare Development Department (CSWDD) habang ang mga nasa wastong edad na mahuhulihan ng ipinagbabawal na paputok ay papatawan ng karampatang parusa batay sa ating umiiral na ordinansa at sa Republic Act. 7183 o ang An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.
Muli, salubungin natin ng ligtas ang paparating na bagong taon.