15/12/2025
TAX DECLARATION
Ang tax declaration ay hindi maituturing na kapalit ng isang land title, kaya hindi sapat na sandigan ito upang masabi na ang nagbebenta ng lupa ang tunay na may-ari.
Sa ilang desisyon ng Korte Suprema, binigyang-diin na ang tax declaration ay hindi isang tiyak at ganap na patunay ng pagmamay-ari ng lupa. Isa lamang itong indikasyon ng pag-angkin o pag-okupa, ngunit hindi nito awtomatikong pinatutunayan ang legal na karapatan sa ari-arian.
Dagdag pa rito, hindi tulad ng titulo ng lupa, ang tax declaration ay walang malinaw na pahayag na nagbibigay ng karapatan ng pagmamay-ari sa taong nakapangalan dito, kaya hindi ito maaaring pagbatayan bilang katiyakan ng pag-aari.