02/06/2026
๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ ๐จ๐ป๐ถ๐-๐ญ
LUNGSOD KALOOKAN โ Kasabay ng pagpasok ng buwan ng Hunyo, opisyal nang sinimulan ng ๐.๐ต. ๐๐๐พ๐๐๐พ๐ ๐ฎ๐. ๐ป๐พ๐๐ฝ ๐ฎ๐ธ๐ฝ๐๐๐ (๐๐ต๐๐ฎ๐ป๐ฎ) ๐ฐ๐๐พ๐-๐ฃ ang taunang Brigada Eskwela nitong Lunes bilang paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027.
Isang makulay na parada ang nagbukas sa aktibidad na nilahukan ng mga mag-aaral, magulang, g**o, mga puno ng kagawaran, at pamunuan ng Brigada Eskwela 2026. Namagi ang mga estudyante, opisyales ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Senior Scouts, Binagtas ng mga boluntaryo ang ruta mula sa paaralan patungong Kalye Langaray, at tumawid hanggang Barangay 12 habang nag-aanunsyo at namamahagi ng mga flyers upang hikayatin ang komunidad na makibahagi sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng Barangay 14.
Pagbalik sa paaralan, isang masiglang palatuntunan ang idinaos sa court ng MBASHS Unit-1 sa pamumuno nina Ginang Stephanie R. Cruzat at Ginang Eleanor Monique Q. Sevilla bilang mga tagapagdaloy ng programa.
Nagpaabot naman ng kanyang makabuluhang mensahe si Ginoong Benjamin M. Molina II, punongg**o ng MBASHS-Unit 1, sa mga magulang, mag-aaral, at mga g**o, at sponsors. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng punongg**o ang mga mahahalagang pagbabago sa sistema ng edukasyon, partikular na ang pagpapatupad ng 3-termino sistema sa kurikulum.
Upang maisakatuparan ang tema ngayong taon na โสแดสแดษดษชสแดษด ๊ฑแด แดแดแดสแดสแดษด: ษดแดษขแดแดแดแดษช๊ฑแด แดแดสแด ๊ฑแด แดแดแดสแด๊ฑแดษด แดแด แดแดแดสแดแดแดษด,โ agad na nagtungo ang mga boluntaryo sa kani-kanilang mga itinalagang silid-aralan matapos ang programa.
Sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Minalin S. Valeda (BE Coordinator), Ginang Erlinda P. Chicay, Tagapangulo ng Baitang 7, at mga tagapayo ng Baitang 7, sinimulan ng mga kalahok ang paglilinis, pagkukumpuni, at iba pang gawaing nakapaloob sa Brigada Eskwela upang matiyak na ligtas at handa ang paaralan para sa pormal na pagbubukas ng klase sa Lunes.
โ๏ธ Isinulat ni : Alyssa Aguaviva
๐ธ Kuhang larawan ni: ๐
ป๐
ท๐
ฑ