08/09/2026
THE NEW AWARDS AND RECOGNITION SYSTEM IN DEPED
Narito ang mga mahahalagang pagbabago sa pagbibigay ng parangal sa ilalim ng DepEd Order No. 015, s. 2026.
Sa bagong sistema, ang pagkilala ay hindi lamang nakabatay sa mataas na grado. Binibigyang-halaga rin ang pag-unlad, pamumuno, karakter, talento, at makabuluhang kontribusyon ng bawat mag-aaral.
Ano ang dapat malaman❓
📍 Iisang Academic Excellence Award na ang iginagawad sa mga kwalipikadong mag-aaral.
📍 Kailangang may General Average na 90 pataas at walang Final Grade na mas mababa sa 80.
📍 Hindi na ginagamit ang “With Honors,” “With High Honors,” at “With Highest Honors.”
📍Walang pampublikong ranking. Ang mga awardee ay ililista nang alpabetikal.
📍May iba pang parangal para sa leadership, learning areas, special achievements, at school-approved recognition.
📍 Lahat ng parangal ay dapat dumaan sa malinaw na criteria, rubric, validation, deliberation, at approval.
📍 Walang prescribed quarterly o term-based Academic Excellence Award. Ang opisyal na parangal ay ibinibigay matapos ang final validation sa pagtatapos ng school year.
Ang PTC ay panahon para sa progress reporting, feedback, at pagpaplano ng kinakailangang intervention. Hindi lamang ito tungkol sa numero sa report card, kundi tungkol sa kung paano pa natin sama-samang matutulungan ang bawat bata na umunlad.
Basahin ang mga posters/pubmat upang mas naunawaan ito.