15/08/2026
Hindi naman pagiging lider ang pagiging perpek. Ang pagiging lider ay marunong umamin kapag may pagkukulang, matuto mula rito, at bumawi sa pamamagitan ng mas maayos at epektibong pagkilos.β
-SK Kagawad Ezrael βEzraβ Aguirre
Bakit nga ba ako tatakbo bilang SK Chairman?
Bilang incumbent SK Kagawad, hindi ko sasabihin na naging perfect ang naging serbisyo ko. May mga bagay akong nagawa nang maayos, pero may mga pagkakataon din na may mga pagkukulang ako, may mga desisyong sana mas napag-isipan ko, at may mga pagkakataong alam kong mas kaya ko pang gawin.
Per doon ko rin natutunan kung ano talaga ang ibig sabihin ng serbisyo.
Sa pagiging Kagawad, nakita ko kung gaano karaming kabataan ang may pangarap, may ideas, at may mga problemang gustong marinig. Nakita ko rin na hindi lahat ng magandang plano ay madaling isakatuparan. May limitations, may challenges, at minsan, may mga bagay na hindi natin kaagad kayang ayusin.
Pero para sa akin, hindi naman pagiging lider ang pagiging perpek. Ang pagiging lider ay marunong umamin kapag may pagkukulang, matuto mula rito, at bumawi sa pamamagitan ng mas maayos at epektibong pagkilos.
Kaya ako tumatakbo bilang SK Chairman.
Hindi dahil masasabi kong ako ang pinakamagaling o ako lang ang may kakayahan. Tumatakbo ako dahil may natutunan ako sa mga naging karanasan ko bilang Kagawad, at gusto kong gamitin ang mga lessons na iyon para mas maging maayos ang serbisyo natin.
Gusto kong ipagpatuloy kung ano ang tama, ayusin kung ano ang kailangang ayusin, at higit sa lahat, makinig sa kabataan bago gumawa ng desisyon para sa kanila.
Hindi ako nangangako ng perfect na pamumuno.
Ang maipapangako ko ay isang lider na handang matuto, handang makinig, at handang managot.
Dahil ang SK Chairman para sa akin ay hindi tungkol sa pagiging pinakamagaling.
Itβs about being accountable enough to admit your mistakes, humble enough to learn, and committed enough to keep serving.
Kaya isa lang ang tanong ko sainyo Kabataan ni Saint Bart, ano mga bEZ, taRA?! ππ€π
-SK Kagawad Ezrael βEzraβ Aguirre