18/10/2023
Sa pagsisimula ng araw ng pangangampanya, siguradong ang lahat ng mga kalahok sa darating na eleksyon ay may mga ipapangako po sa inyo na maganda sa inyong pandinig. Tayo po ay maging matalino at mapagmatyag. Kilatisin natin ang bawat kandidato. Ang inyong boto ay mahalaga. Ito ay hindi ipinagbibili. Ito ay isa sa magiging sukatan ng inyong pagkatao sa darating na halalan. Huwag magpaloko. Huwag maging kasangkapan ng mga kandidato na ang tunay na hangarin ay pansarili lamang. Ipagkatiwala natin ang ating mga boto sa mga kandidato na nasa puso ang tunay na paglilingkod. Ang boto mo ang magiging daan sa maayos at maunlad na Barangay. Magtulungan po tayo. Kayo ang may tunay na kapangyarihan kung gusto natin ng isang maayos at maunlad na Barangay. Iluklok natin sa pwesto ang mga karapat dapat. Inyo pong pakatandaan na sa darating na eleksyon na ANG AKING BOTO ANG SUMASALAMIN SA AKING PAGKATAO! Mula po sa TEAM COCOY, hangad po namin ang maayos at patas na labanan sa darating na eleksyon. πππ