Baesa Elementary School

Baesa Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Baesa Elementary School, Public School, 229 Reparo Street Baesa Caloocan City, Caloocan.

First Day Classroom Monitoring | SY 2026–2027A great start to the new school year as our School Principal, Ma’am Carol S...
09/06/2026

First Day Classroom Monitoring | SY 2026–2027

A great start to the new school year as our School Principal, Ma’am Carol S. Villegas visited classrooms to observe and support both teachers and learners on the first day of classes.

Thank you, Ma’am Carol for your leadership, guidance, and commitment to ensuring a positive and productive learning environment for all.

Together, let us make this school year meaningful, successful, and full of learning opportunities. ❤️

Layag na Baesa! ⛵️





BRIGADA ESKWELA 2026CULMINATING ACTIVITY AND PARENTS’ GENERAL ASSEMBLYNoong Hunyo 5, 2026, matagumpay nating naisagawa a...
08/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026

CULMINATING ACTIVITY AND PARENTS’ GENERAL ASSEMBLY

Noong Hunyo 5, 2026, matagumpay nating naisagawa ang ating Culminating Activity, Parents’ General Assembly, at pagtatapos ng Brigada Eskwela bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, g**o, mag-aaral, mga boluntaryo, at iba pang mga katuwang na dumalo, nakiisa, at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging matagumpay ang mga gawaing ito.

Isang espesyal na pasasalamat sa aming minamahal na Punong G**o Ma’am Carol S. Villegas para sa kanyang walang sawang suporta, mahusay na pamumuno, at patnubay sa lahat ng gawain kasama ng ating PSDS, Dr. Joey H. Villanueva. Gayundin, taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa ating Coordinator Ma’am Sofia Manapat Valdecantos at Master Teachers sa kanilang dedikasyon, pagtutulungan, at patuloy na paggabay upang maging maayos at matagumpay ang bawat programa at aktibidad ng paaralan.

Maraming salamat din sa lahat ng mga g**o at kawani na naging katuwang sa pagpaplano, paghahanda, at pagsasakatuparan ng mga gawaing ito. Ang inyong sipag, sakripisyo, at pagmamahal sa serbisyo ay tunay na kahanga-hanga.

Ang tagumpay ng ating Culminating Activity, Parents’ General Assembly, at Brigada Eskwela ay bunga ng sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at bayanihan ng buong komunidad ng paaralan.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa’y magpatuloy ang ating pagtutulungan para sa kapakanan at tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Sama-sama para sa de-kalidad na edukasyon at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat Baesanians!

Layag na Baesa! ⛵️





Baesa Elementary School Class Schedules. Welcome Back to School!  Narito ang oras ng pasok at uwian ng mga batang Baesan...
07/06/2026

Baesa Elementary School Class Schedules. Welcome Back to School! Narito ang oras ng pasok at uwian ng mga batang Baesanians. Para sa pagsisismula ng klase bukas. June 08, 2026. 👇

📢 ANUNSYO 📢Magandang araw po sa ating mga minamahal na magulang at tagapag-alaga!Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa...
04/06/2026

📢 ANUNSYO 📢

Magandang araw po sa ating mga minamahal na magulang at tagapag-alaga!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Parent’s General Assembly ng Baesa Elementary School sa:

🗓 Hunyo 05, 2026 (Biyernes)
🕘 9:00 ng umaga
📍 Baesa Elementary School

Tatalakayin po sa pagpupulong ang mahahalagang impormasyon, programa, at mga alituntunin para sa matagumpay na pagbubukas ng panuruang taon. Ang inyong presensya at pakikiisa ay mahalaga upang mapagtibay ang pagtutulungan ng paaralan at tahanan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pagdalo!

Mabuhay!

-2027

📢 ANUNSYOMagandang araw po!Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga mag-aaral na samantalahin ang programang Balik Eskwela...
03/06/2026

📢 ANUNSYO

Magandang araw po!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga mag-aaral na samantalahin ang programang Balik Eskwela: Libreng Gupit na handog ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Along Malapitan.

Ang programang ito ay naglalayong matulungan ang ating mga mag-aaral na maging handa at maayos sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Mangyaring tingnan ang nakalakip na iskedyul sa ibaba para makasali sa programang ito.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating ihanda ang ating mga kabataan para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Maraming salamat po.




BRIGADA ESKWELA KICK-OFF PROGRAM 2026 "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"Matagumpay na sini...
02/06/2026

BRIGADA ESKWELA KICK-OFF PROGRAM 2026

"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"

Matagumpay na sinimulan ng Baesa Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Kick-Off Program na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa paghahanda ng paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga g**o, magulang, alumni, barangay officials, volunteers, at iba pang stakeholders, muling pinatunayan na ang edukasyon ay isang responsibilidad na sama-samang isinusulong ng buong pamayanan.

Pinangunahan ang programa ng ating Punongg**o, Maám Carol S. Villegas, Principal IV, sa pakikiisa ng ating Public Schools District Supervisor, Dr. Joey H. Villanueva, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga programang naglalayong mapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa patuloy na pagpapaunlad ng paaralan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating Brigada Eskwela Coordinator, Maám Sofia Valdecantos, mga dalubg**o, pinuno ng iba't ibang komite, mga g**o, at mga boluntaryong naglaan ng kanilang oras, kakayahan, at dedikasyon upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagdaraos ng programa. Ang kanilang sama-samang pagsisikap ay naging mahalagang bahagi sa paghahanda ng paaralan para sa darating na Taong Panuruan 2026–2027.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, kakayahan, at suporta upang maging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela. Ang inyong pakikiisa ay mahalagang ambag sa patuloy na pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyong pang-edukasyon ng ating paaralan.

Nawa'y magpatuloy ang diwa ng pagtutulungan at malasakit habang sama-sama nating hinahanda ang isang kapaligirang nakatuon sa kalidad ng edukasyon at kapakanan ng bawat mag-aaral.

📢 PAALALA:

Ang Brigada Eskwela 2026 ay isasagawa mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026. Bukas din ang ating Enrollment para sa School Year 2026–2027. Inaanyayahan ang lahat ng magulang at mag-aaral na magtungo sa paaralan para sa kaukulang proseso ng pagpapatala.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan para sa Baesa Elementary School.

Layag na Baesa! ⛵️






“Ano, tara? Brigada na!”BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF Sinimulan ngayong araw ang Brigada Eskwela 2026 sa ating paaralan....
01/06/2026

“Ano, tara? Brigada na!”

BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF

Sinimulan ngayong araw ang Brigada Eskwela 2026 sa ating paaralan. Sa pangunguna ng ating Punong G**o, Ma’am Carol S. Villegas, Brigada Eskwela Coordinator, Ma’am Sofia Valdecantos, Master Teachers, at mga G**o, katuwang ang mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras at lakas upang maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Lubos ang aming pasasalamat lalo na sa mga magulang at estudyanteng buong pusong nakibahagi sa gawaing bayanihan.

Inaanyayahan pa rin namin ang lahat na makiisa sa mga susunod na araw ng Brigada Eskwela. Maaaring magdala ng mga kagamitang tulad ng walis tambo, walis tingting, dustpan, basahan, pintura, paint brush, garden tools, trash bags, cleaning materials, at iba pang kagamitan na makatutulong sa paglilinis at pagpapaganda ng ating paaralan.

Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng bayanihan para sa kalidad na edukasyon ng bawat bata.

Layag na Baesa! ⛵️

12/05/2026

📢 ANUNSYO PARA SA ENROLLMENT SA ALS 📢

Magandang araw!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan at matatanda na hindi nakapagtapos ng pag-aaral na magpatala sa Alternative Learning System (ALS).

📝 ENROLLMENT PARA SA ALS AY BUKAS NA!
📅 Simula Mayo 13,2026
⏰ Oras: 9:00 ng umaga – 3:00 ng hapon
📍 Lugar: Baesa Elementary School
👩‍🦰 Hanapin si: Gng. Janette D. Obaña, ALS Implementer

Ang ALS ay para sa:
✅ Out-of-school youth
✅ Mga working student
✅ Mga hindi nakapagtapos ng Elementarya o Sekondarya
✅ Mga nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral

📌 Magdala ng mga sumusunod:
• Photocopy ng Birth Certificate
• 2x2 ID Picture
• School Record kung mayroon
• ALS Enrollment Form

Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-aral at makamit ang inyong mga pangarap!

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa ALS Teacher o sa opisina ng paaralan.

“Edukasyon para sa lahat, ALS ang daan sa magandang kinabukasan!”

📢 ANUNSYO SA PAGPAPATALA (ENROLLMENT)📢Ang Baesa Elementary School ay bukas na para sa Enrollment para sa Taong Panuruan ...
03/05/2026

📢 ANUNSYO SA PAGPAPATALA (ENROLLMENT)📢

Ang Baesa Elementary School ay bukas na para sa Enrollment para sa Taong Panuruan 2026–2027.

🗓️ Simula: Mayo 04, 2026
⏰ Oras: 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
📍 Lugar: Baesa Elementary School

Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral, bagong pasok man o balik-eskwela, na magpatala na sa itinakdang petsa at oras.

📌 Mga Paalala:

>Dalhin ang kinakailangang dokumento (Birth Certificate, Report Card, at iba pa kung kinakailangan)
>Sumunod sa mga alituntunin ng paaralan

Para sa ibang detalye tingnan ang larawan.

Mag-enroll na at maging bahagi ng patuloy na paghubog ng kaalaman at magandang kinabukasan!

Maraming salamat at kami ay umaasa sa inyong pagdating!

Happy Principal’s Day! 🎉We extend our heartfelt appreciation to our dedicated school principal, Ma’am Carol S. Villegas ...
01/05/2026

Happy Principal’s Day! 🎉

We extend our heartfelt appreciation to our dedicated school principal, Ma’am Carol S. Villegas whose commitment goes far beyond office hours. Your leadership, guidance, and unwavering support continue to inspire both teachers and learners to strive for excellence every day.

Thank you for your selfless service, patience, and passion in leading our school community. Your efforts do not go unnoticed, and we are truly grateful for everything you do.

Salute to a leader who leads with heart. 💙

Address

229 Reparo Street Baesa Caloocan City
Caloocan
1401

Telephone

+63286396031

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baesa Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Baesa Elementary School:

Share

Category