27/05/2026
CALENDAR REVEAL: 3 TERMS ARE THE NEW 4 QUARTERS?
โHala, SSLG, bakit tatlo na lang? Akala ko ba fantastic na ang four?โ ๐ญ๐
Opps, kalmahan lang! Hindi ito breakup, kundi ang bagong Three-Term School Calendar guidelines (DepEd Order No. 009, s. 2026) na parating na para sa SY 2026-2027!
Para sa ating paghahanda sa "Academic Comeback," narito na kami upang himayin ang bagong DepEd Order No. 009, s. 2026. Na kung saan magkakaroon tayo ng shift mula sa dating four quarters papunta sa Three-Term Structure para sa SY 2026-2027.
Pero ano nga ba ang mahahalagang detalye?
๐
ANG OPISYAL NA ISKEDYUL PARA SA S.Y NA ITO
Simula ng SY: June 8, 2026
Pagtatapos ng SY: April 8, 2027
3 Terms | 201 Class Days sa loob ng SY '26-'27
Pero ano ang terms? Ang blocks?
Upang mapaigtingin ang balanseng pag-aaral at pahinga, nahati ang mga terms sa tatlong blocks.
1. Opening Block: (Para sa Term 1 lamang) Mga oryentasyon at screening para sa pagsisimula ng taon.
2. Instructional Block: Nakalaang panahon para sa pagtuturo (~60 araw) kung saan iiwasan ang mga sagabal o extracurricular activities.
3. End-of-Term Block: 10-araw na pagtatapos para sa grading, ARAL Program (Remediation), at ang inaabangang Wellness Break (4 na araw para sa mga mag-aaral!).
Para sa iba pang detalye? Maaaring tingnan ang comment section sa para sa karagdagang impormasyon.
Mawala man ang quarters, excellence will always still be our lifestyle. Ang pagbabago ay narito na, at gaya ng dati, tayo ay laging babangon.