Barangay 35 PB Arnold “Anoy” R. Arenas

Barangay 35 PB Arnold “Anoy” R. Arenas
Barangay Tel No. (02)-8-2608842

💊 Tuloy-tuloy ang Pamamahagi ng Libreng Gamot sa Botika ng Barangay 35! 💙Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong pangkalu...
06/07/2026

💊 Tuloy-tuloy ang Pamamahagi ng Libreng Gamot sa Botika ng Barangay 35! 💙

Bilang bahagi ng patuloy na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng libreng gamot sa Botika ng Barangay 35, handog ng ating masipag na Punong Barangay Arnold Reyes Arenas, mula ika-12 hanggang ika-29 ng Hunyo, tuwing Lunes at Biyernes alas dos hanggang alas kwatro ng hapon.

Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga residente na magkaroon ng access sa mga kinakailangang gamot at mapanatili ang mabuting kalusugan ng bawat pamilya sa ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa. Asahan po ninyo ang patuloy na paghahatid ng tapat, maagap, at makataong serbisyo para sa bawat mamamayan ng Barangay 35.

-adminEJ

🎉 Happy Birthday, Kagawad Sandy! 🎂Wishing you a day filled with happiness, good health, and countless blessings. Thank y...
06/07/2026

🎉 Happy Birthday, Kagawad Sandy! 🎂

Wishing you a day filled with happiness, good health, and countless blessings. Thank you for your unwavering dedication, hard work, and sincere service to our barangay. May God continue to bless you with wisdom, strength, and success as you serve our community.

May this new year of your life bring you more joy, peace, and opportunities to make a positive difference. Enjoy your special day with your family and loved ones!

Greetings from: PB Arnold Reyes Arenas, Council and Barangay 35 Family.

-aminEJ

🥳𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄🥳• 𝐌𝐀𝐘 (𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃)• 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, nari...
30/06/2026

🥳𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄🥳

• 𝐌𝐀𝐘 (𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃)
• 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒

Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out para sa buwan ng Hunyo.

Happy birthday po!

See you po sa venue! BRGY 35 HALL JULY 1, 2026 MIYERKULES
Naibaba na po sa barangay ang listahan ng mga benepisyaryo.😊 TO FOLLOW NAMES...

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring i-check na lamang po ito sa inyong mga GCash account.

-adminEJ




📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY 35 📢Ipinaaalam po sa lahat na pansamantalang walang regular na operasyon ang Tang...
25/06/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY 35 📢

Ipinaaalam po sa lahat na pansamantalang walang regular na operasyon ang Tanggapan ng Barangay 35 sa Hunyo 27–28, 2026 (Sabado at Linggo) dahil ang ating mga opisyal at kawani ay dadalo sa isang seminar na makatutulong sa mas mahusay na paglilingkod sa ating komunidad.

✅ Magbabalik ang regular na serbisyo at operasyon sa Hunyo 29, 2026 (Lunes).

🚨 Para sa mga emergency at agarang pangangailangan, nakahanda pa rin pong tumugon ang ating mga nakatalagang Barangay Driver, Barangay Tanod, at iba pang kawani sa nasabing mga araw.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang patuloy nating pinauunlad ang kalidad ng serbisyo para sa bawat residente.

Maraming Salamat po!

-OFFICE OF THE BRGY. SECRETARY

adminEJ





PINANGUNAHAN NG ATING MATITIYAGANG ESTERO RENGERS NG BARANGAY 35 ANG PAGLILINIS NG KAHABAAN NG ESTERO DE MAYPAJO ITO AY ...
19/06/2026

PINANGUNAHAN NG ATING MATITIYAGANG ESTERO RENGERS NG BARANGAY 35 ANG PAGLILINIS NG KAHABAAN NG ESTERO DE MAYPAJO ITO AY BILANG PAGHAHANDA SA PARATING NA TAG ULAN. ITO AY MULA SA INISYATIBA NG ATING NAPAKASIPAG NA PUNONG BARANGAY KAP Arnold Reyes Arenas AT BUONG BARANGAY COUNCIL.



🔥🚒 PARA SA KALIGTASAN NG ATING PAMAYANAN! 🚒🔥Patuloy ang ating pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng ba...
15/06/2026

🔥🚒 PARA SA KALIGTASAN NG ATING PAMAYANAN! 🚒🔥

Patuloy ang ating pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng bawat residente ng Barangay 35 sa pamamagitan ng paglalagay ng mga fire extinguisher sa iba't ibang estratehikong lugar sa barangay.

Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay, Arnold Reyes Arenas, ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng agarang tugon sa oras ng emergency at makatulong sa pag-iwas sa paglala ng anumang insidente ng sunog.

Sa oras ng emergency, tandaan ang P.A.S.S. Method sa paggamit ng fire extinguisher:

✅ P – Pull (Hilahin)
Hilahin ang safety pin upang ma-unlock ang fire extinguisher.

✅ A – Aim (Itutok)
Itutok ang nozzle sa pinagmumulan o pinakailalim ng apoy.

✅ S – Squeeze (Pisilin)
Pisilin ang hawakan upang lumabas ang extinguishing agent.

✅ S – Sweep (Iwasiwas)
Iwasiwas ang nozzle mula kaliwa pakanan hanggang tuluyang mapatay ang apoy.

⚠️ Mahahalagang Paalala:
• Siguraduhing maliit pa lamang ang apoy bago gamitin ang fire extinguisher.
• Panatilihing may ligtas na daanan palabas habang inaapula ang apoy.
• Kung lumalaki na ang sunog, lumikas agad at tumawag sa mga awtoridad.

🔥 Ang kahandaan ay susi sa kaligtasan. Alamin ang tamang paggamit ng fire extinguisher upang maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad. Sama-sama nating pangalagaan ang ating komunidad. Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat.





ISANG PASALUDO SA MGA MATITIYAGANG DECLOGGING TEAM NG ATING BARANGAY MGA VOLUNTEERS AT MGA KATANURAN NG ATING BARANGAY. ...
12/06/2026

ISANG PASALUDO SA MGA MATITIYAGANG DECLOGGING TEAM NG ATING BARANGAY MGA VOLUNTEERS AT MGA KATANURAN NG ATING BARANGAY. SA DI MATAWARANG DEDIKASYON SA PAGLILINIS SA BUONG BLOCK 9 SAWATA DRAINAGE O MGA KANAL BILANG PAGHAHANDA SA PAGDATING NG TAG ULAN. ITO AY MULA SA INISYATIBA NG ATING NAPAKASIPAG NA PUNONG BARANGAY KAP Arnold Reyes Arenas



LIBRENG GAMOT SA BOTIKA NG BARANGAY 35!Patuloy ang pamimigay ng libreng gamot para sa mga residente ng Barangay 35, nito...
11/06/2026

LIBRENG GAMOT SA BOTIKA NG BARANGAY 35!

Patuloy ang pamimigay ng libreng gamot para sa mga residente ng Barangay 35, nitong nagdaang ika-1 ng Mayo hanggang ika-8 ng Hunyo ng kasalukuyang taon, bilang bahagi ng aming adbokasiya na tiyaking may access ang bawat isa sa serbisyong pangkalusugan.

Sa pangunguna ng ating masipag at mapagmalasakit na Punong Barangay Arnold Reyes Arenas, isinusulong ng pamahalaang barangay ang mga programang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilya.

Ang programang ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng barangay upang matugunan ang pangangailangang medikal ng komunidad, lalo na ng mga nangangailangan. Hangad namin na sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na serbisyong ito ay mas mapabuti ang kalagayan at kalusugan ng bawat mamamayan.

Barangay 35 Serbisyong may puso, malasakit na ramdam.

-adminEJ

📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 📢Para sa lahat ng mamamayan ng Barangay 35Alinsunod po sa ipatutupad na bagong UNIFIED FORMAT ng mga C...
02/06/2026

📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 📢

Para sa lahat ng mamamayan ng Barangay 35

Alinsunod po sa ipatutupad na bagong UNIFIED FORMAT ng mga Certificates at Dokumentong iniisyu ng lahat ng barangay sa Caloocan City, ang Pamahalaang Barangay 35 ay magkakaroon na rin po ng panibagong format para sa lahat ng Barangay Certificates at iba pang opisyal na dokumento.

Kabilang sa mga bagong kinakailangang detalye sa mga dokumento ang mga sumusunod:

✅LARAWAN NG APLIKANTE
✅THUMBMARK
✅CONTROL NUMBER
✅OPISYAL NA BARANGAY SEAL

Dahil dito, ang pagkuha ng anumang Barangay Certificate o dokumento ay kinakailangan nang PERSONAL na gawin ng mismong aplikante upang masiguro ang tamang pagkakakilanlan at maiwasan ang maling paggamit o pamemeke ng mga dokumento ng barangay.

MAHIGPIT NA IPAGBABAWAL ANG MGA SUMUSUNOD:
• PASUYO
• PAKUHA SA IBANG TAO
(MAAARI LAMANG ITO PARA SA MGA RESIDENTE NA NASA OSPITAL, BED RIDDEN, SENIOR NA HIRAP NG BUMYAHE, BAIL O NAKAKULONG NA MAY KALAKIP NA KATIBAYAN)

Ang pagpapadala lamang ng kinatawan ay papayagan kung may sapat na Authorization Letter, kalakip ang valid ID ng aplikante at kinatawan, at kung ito ay may valid na dahilan na aprubado ng Barangay.

Ang lahat ng kukuha ng Barangay Certificates ay kinakailangang personal na humarap sa Barangay Hall para sa pagkuha ng larawan, thumbmark, at iba pang kinakailangang detalye alinsunod sa bagong unified format. Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagpapalakas ng seguridad, transparency, at mas maayos na serbisyo publiko para sa ating mga mamamayan.

Paalala:
Mangyari po lamang na magdala ng VALID ID maging ang GUARANTOR at sundin ang lahat ng kinakailangang proseso sa Barangay.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓: 𝐀𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐚𝐲 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄. 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐨 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐬𝐭𝐮𝐬𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲.

PAMAHALAANG BARANGAY 35
Para sa maayos, ligtas, at episyenteng serbisyo publiko.

-adminEJ

Bilang paghahanda sa Tag-ulan pinasinayaan ng ating mga matitiyagang mga ESTERO RENGERS ang paglilinis ng ating estero d...
30/05/2026

Bilang paghahanda sa Tag-ulan pinasinayaan ng ating mga matitiyagang mga ESTERO RENGERS ang paglilinis ng ating estero de maypajo. Ito ay sa inisyatiba ng ating napakasipag na Punong Barangay Kap Arnold Reyes Arenas.



Address

301 JP RIZAL Street MAYPAJO
Caloocan
1410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 35 PB Arnold “Anoy” R. Arenas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share