Barangay BF Homes - 169 Caloocan

Barangay BF Homes - 169 Caloocan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay BF Homes - 169 Caloocan, Public Service, Ninang Nena Street BF Homes Phase 2, Caloocan.

31/08/2026

PABATID

Magkakaroon po ng Medical Mission bukas, September 1, 2026 mula 8am - 12nn. Ito po ay gaganapin sa FC Bartolome Ville. Ito po ay libreng medical consultation para sa lahat lalo na po sa mga binaha sa ating lugar.

Salamat po.

Clean-up drive
31/08/2026

Clean-up drive



29/08/2026

MAHALAGANG PAALALA

Hinihikayat po ang lahat ng residente ng Barangay 169 na kasalukuyang binabaha at ang mga lugar na posible pang bahain na maging handa at lumikas na kung kinakailangan. Dahil po sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig, huwag na po nating antayin na lumala pa ang baha bago tayo lumikas. Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat pamilya lalo na po ang mga bata. buntis, PWD, mga senior citizens at iba pang may mga karamdaman.

Ang atin pong BDRRM team at barangay tanod ay patuloy pong nag-iikot sa ating nasasakupan para sa mga nagnanais at kailangan ng tulong para sa evacuation. Bukas po ang ating barangay hall at evacuation area para sa mga residente at pamilyang kailangang lumikas. Para po sa mga nangangailangan ng tulong sa paglikas, maaari rin po kayong tumawag sa 72393097 upang agad kayong maaksyunan at matulungan.

Paalala din po sa mga may sasakyan, maaari nyo pong pansamantalang igarahe o ilagak ang inyong mga sasakyan sa BF Homes Ph1 Covered Court na matatagpuan sa Ninang Gemma St.

Salamat po.

28/08/2026

PAALALA

Narito po ang schedule ng payout ng ating mga unclaimed social pension at Centenarian unclaimed:

SOCIAL PENSION UNCLAIMED PAYOUT
Date: September 3, 2026
Time: 9am - 12pm only

CENTENARIAN UNCLAIMED PAYOUT
Date: September 4, 2026
Time: 9am - 2pm only

Ang mga naturang payout po ay parehas ana gaganapin sa OSCA office, North City Hall.

Salamat po.

PABATID Narito po ang listahan ng mga beneficiaries ng unclaimed Expanded Centemarian Act sa ating barangay,  Ang payout...
27/08/2026

PABATID

Narito po ang listahan ng mga beneficiaries ng unclaimed Expanded Centemarian Act sa ating barangay, Ang payout po ay gaganapin sa September 4, 2026 aaw ng Biyernes sa OSCA Office, SDC Court, Caloocan City Hall North mula alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali.

Salamat po.

20/08/2026

Pabatid

Ipinababatid po sa lahat ng ating mga senior citizens na gaganapin po bukas, August 21, 2026 ang pamamahagi ng birthday cash gift. Ito po ay gaganapin pa din sa Deparo Covered Court mula 9am - 12nn. Huwag pong kalilimutang dalhin ang inyo pong mga senior id.

Salamat po.

17/08/2026

PABATID

Dahil po sa masamang lagay ng panahon at sa work suspension, ang atin pong mga health worker ay nasa skeletal workforce kaya wala po muna tayong medical, dental, immunization at family planning. Mangyari lamang po antabayan po ang announcement para sa susunod na schedule.

Inaasahan po namin ang inyong pang-unawa ukol dito. Salamat po.

FYI
11/08/2026

FYI

Address

Ninang Nena Street BF Homes Phase 2
Caloocan
1400

Telephone

+63272393097

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay BF Homes - 169 Caloocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay BF Homes - 169 Caloocan:

Shortcuts

Share

Category