13/06/2026
👉Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating Free Zumba Activity. Ang inyong pakikilahok ay malaking ambag sa pagsusulong ng kalusugan at pagkakaisa ng ating komunidad.
👉Lubos din po ang aming pasasalamat kay Dra. Isabel Beatriz sa kanyang malasakit at pagbibigay ng libreng check-up para sa ilan nating mga senior citizen. Ang kanyang serbisyo at dedikasyon ay tunay na inspirasyon at malaking tulong sa ating mga nakatátanda. Gayun din kay Maam Maria Nina para sa kanyang pakikipag koordinasyon at pag bibigay ng lecture tungkol sa (Naproxen Sodium) Flanax . NA mula po sa (TAISHO PHARMA).
👉Pasasalamat din pra sa ating Punong Barangay Kapitan Vic Marc Sibayan at Kagawad Jerry Tugay Abito para pangunahan ang aktibidad na ito . ❤️
👉Maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa'y patuloy tayong magkaisa para sa ikabubuti ng ating komunidad at kalusugan ng bawat isa.
Ang Inyong Lingkod :
Jerry Tugay Abito
“Serbisyong May Malasakit at Tama Para sa Mamamayan.”