Barangay 185 Caloocan City Punong Barangay Rodolfo “Kap Ato” Oliva

Barangay 185 Caloocan City Punong Barangay Rodolfo “Kap Ato” Oliva THIS IS THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF KAP ATO OLIVA BARANGAY 185 DISTRICT 3 CALOOCAN CITY

05/08/2026

WORK SUSPENDED | Ayon sa Malacañang, wala na ring pasok ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region bukas, August 6, dahil pa rin sa inaasahang masamang lagay ng panahon.

Samantala, mananatiling nakaantabay at nakatutok ang ating frontliners sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Mag-ingat po at manatiling alerto. Tumawag sa 24/7 Caloocan City Emergency Hotlines sa oras ng pangangailangan:

• (02) 888-25664
• 0908-81-25664
• 0998-51-25664

05/08/2026

Tapos na po ang inyong paghihintay. 😁

Yung alarm bukas? Pwede nang i-cancel. 😊🔕

Batay sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Department, WALANG PASOK sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Caloocan sa Huwebes, August 6.

Prayoridad po natin ang kaligtasan ng ating mga g**o at mag-aaral kaya't suspendido ang face-to-face classes at ipatutupad ang alternative delivery mode o asynchronous classes.

Ingat, mga Batang Kankaloo!

05/08/2026

Itigil na ang kaka-refresh… tama ang hinala mo. 😁

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 (face-to-face) ang AFTERNOON classes sa LAHAT NG ANTAS sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong Miyerkules, August 5 batay sa rekomendasyon ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department.

Manatiling ligtas at umiwas muna sa hindi kinakailangang paglabas. Safety first palagi, mga Batang Kankaloo!

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 (𝐂𝐒𝐖𝐃𝐃) 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄...
04/08/2026

𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 (𝐂𝐒𝐖𝐃𝐃) 𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 (𝐃𝐒𝐖𝐃)

Ipinapaalam ng 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐟𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐂𝐒𝐖𝐃𝐃), sa pakikipagtulungan sa 𝐃𝐒𝐖𝐃, ang pagpapatupad ng 𝐔𝐧𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐏𝐚𝐜𝐤𝐚𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐋𝐢𝐯𝐞𝐥𝐢𝐡𝐨𝐨𝐝, 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲, 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐫𝐚𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐔𝐏𝐋𝐈𝐅𝐓) 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟏𝟏𝟎, 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔).

Layunin ng programang ito na mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga kwalipikadong pamilya upang maibsan ang epekto ng krisis sa Middle East at pagtaas ng presyo ng langis.

⚠️𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀𝐍𝐓𝐄𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘⚠️

▪️𝐏𝐑𝐄-𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎: Ang listahan ng mga makakatanggap ay 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐃𝐒𝐖𝐃 batay sa kanilang opisyal na validation process.

▪️𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍: Ang 𝒎𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓𝒍𝒊𝒔𝒕 ay 𝐅𝐈𝐗𝐄𝐃 𝐨 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐋 𝐧𝐚. 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐧𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐬𝐮𝐛𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐠𝐝𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 mula sa barangay o alinmang tanggapan.

🔍 𝐇𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘:
Muling humihiling ang CSWDD ng tulong mula sa mga opisyales ng barangay upang mahanap at makumpirma kung ang mga benepisyaryong nasa opisyal na masterlist ay kasalukuyan pa ring naninirahan sa barangay na nakakasakop.

Kaugnay nito, mangyaring makipag-ugnayan sa ating tanggapan ng barangay ang mga benepisyaryong nasa listahan para makuha ang inyong tirahan, aktibong cellphone number at updated na bilang ng mga kasama sa bahay. Bukas po ang ating tanggapan Monday-Saturday 8:00AM-5:00PM at Sunday 8:00AM-12:00NN.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon!



Heavy Rainfall Warning No. 9  Weather System: Low Pressure Area (LPA)Issued at: 8:00 AM, 04 August 2026(Tuesday)YELLOW W...
04/08/2026

Heavy Rainfall Warning No. 9
Weather System: Low Pressure Area (LPA)
Issued at: 8:00 AM, 04 August 2026(Tuesday)

YELLOW WARNING LEVEL: Zambales(San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Cabangan, Botolan, Palauig, Iba).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING in flood-prone areas.

Meanwhile, expect light to moderate rains over Tarlac, Pampanga, Bulacan(Hagonoy, Malolos, Paombong, Bulakan, Meycauayan, Obando, Calumpit, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao, San Jose del Monte, Santa Maria, Baliuag, Pulilan, Plaridel, San Rafael, Angat, Pandi, Bustos, Norzagaray), Cavite(Ternate, Maragondon, Naic, Tanza, Noveleta, Cavite City, General Trias, Rosario, Imus, Kawit, Bacoor, Trece Martires, Dasmarinas, Magallanes, General Emilio Aguinaldo, Indang, Alfonso) and Batangas(Nasugbu, Lian, Calatagan, Balayan, Tuy) within the next 3 hours.

Light to moderate with occasional heavy rains affecting Bataan, Zambales(Olongapo, Subic, Candelaria, Masinloc, Santa Cruz, Castillejos, San Antonio), Rizal(Antipolo, San Mateo) and Metro Manila(Navotas, Malabon, Valenzuela, Caloocan, Quezon City, Marikina) which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.

Para sa mabilis na emergency response, huwag mag-atubiling tumawag sa 🚑🚒🚓

Barangay 185 Hotline: 09219662901
📞 Dial 888 (25664)
📱 0908-81-25664 / 0998-51-25664




𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐈𝐒 | 𝐂𝐀𝐋𝐎𝐎𝐂𝐀𝐍 𝐏𝐑𝐄- 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐈𝐒𝐊 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓 August 03, 2026 | Barangay 185 Caloocan CityNgayong araw ay nagkar...
03/08/2026

𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐈𝐒 | 𝐂𝐀𝐋𝐎𝐎𝐂𝐀𝐍 𝐏𝐑𝐄- 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐈𝐒𝐊 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓
August 03, 2026 | Barangay 185 Caloocan City

Ngayong araw ay nagkaroon ng Emergency meeting para sa Pre-Disaster Risk Assessment bilang paghahanda sa Bagyong “LUIS”.

Asahan po natin ang makulimlim na panahong may kasamang ulan, pagkulog at kidlat.

Handa po ang ating Barangay sa lahat ng oras. Para sa emergency o responde, tumawag lamang po sa BARANGAY 185 HOTLINE: 09219662901

Ibayong pag-iingat po mga ka-barangay!



03/08/2026

Happy Monday po mga ka-barangay!

𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐀𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐂𝐎𝐕𝐈𝐋𝐋𝐄 𝐐𝐔𝐈𝐑𝐈𝐍𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐖𝐀𝐘 August 02, 2026 | Purok 7 Ascoville Sa ganap na 7:08PM naireport sa ating ...
02/08/2026

𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐀𝐂𝐂𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐂𝐎𝐕𝐈𝐋𝐋𝐄 𝐐𝐔𝐈𝐑𝐈𝐍𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐖𝐀𝐘
August 02, 2026 | Purok 7 Ascoville

Sa ganap na 7:08PM naireport sa ating tanggapan ang isang aksidente sa pagitan ng pam-pasaherong bus at motorcycle rider sa kahabaan ng Purok 7 Ascoville, Quirino Highway.

Agad naman po itong ni-respondehan ng ating tanggapan at itinawag sa Caloocan Emergency Hotline at Caloocan Traffic Management Department. Aksyon Agad din ang ating mga Deputy Officers at Barangay Tanod sa nangyaring insidente. Sa ngayon, dinala na sa Tala Hospital ang Motorcycle Rider sa tulong ng Caloocan Disaster Risk Reduction Management Department (DRRMD) at Public Safety and Traffic Management Department.

Para sa anumang emergency o responde, tumawag po lamang sa ating Barangay 185 Hotline: 09219662901

Ibayong pag-iingat po sa lahat ng oras mga ka-barangay!



𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝟏𝟖𝟓 𝐇𝐎𝐌𝐄𝐆𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐖𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎𝐑𝐒 🛡️🗡️🏀Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro mula sa ating Barangay 185 Home...
02/08/2026

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝟏𝟖𝟓 𝐇𝐎𝐌𝐄𝐆𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐖𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎𝐑𝐒 🛡️🗡️🏀

Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro mula sa ating Barangay 185 Homegrown Warriors sa Liga ng Ikatlong Distrito - Dean’s League Season 4!

Nasa likod ninyo ang Buong Barangay 185! 💪

PANUORIN NG LIVE: https://www.facebook.com/share/v/19VB8R3wW2/



BARANGAY 185 WEEKLY CLEAN-UP DRIVEJuly 31, 2026 | Purok 1 CamiaAlinsunod sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program tayo p...
31/07/2026

BARANGAY 185 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE
July 31, 2026 | Purok 1 Camia

Alinsunod sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program tayo po ay naglinis sa kahabaan ng Purok 1 Camia kasama ang ating masisipag na Eco-Warriors, Barangay Street Sweepers, mga Kapulisan mula sa LD Station, Care takers at magigiting na Volunteer Tanod at Core Group Leaders para sa tuloy-tuloy na kalinisan ng ating Barangay.







Address

Third District
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 185 Caloocan City Punong Barangay Rodolfo “Kap Ato” Oliva posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share