02/07/2026
Sa huling pagkakataon bilang Committee de Festejos 2025–2026, buong puso naming ipinagkakaloob sa Kapilya ng Muling Pagkabuhay ang mga bulaklak, sound system, foldable table, ladder, mga kagamitan sa altar, at iba’t ibang cleaning materials bilang aming munting handog.
Ang lahat ng ito ay bunga ng sama-sama nating pagtutulungan, sakripisyo, at walang sawang suporta ng bawat isa. Patunay ito na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong nagagawang kabutihan para sa ating simbahan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating paglalakbay. Nawa’y patuloy na magsilbi ang mga kagamitang ito sa mga susunod pang taon at maging kapaki-pakinabang sa ating kapilya at buong pamayanan.
Sama-sama tayong naglingkod. Sama-sama tayong nagtagumpay. Para sa Diyos, para sa Simbahan, at para sa komunidad. 🙏💜
Sa ngalan ng ating dating Hermano, Alex Tolentino at dating Hermana, Jona Francisco-Paguio. Muli kaming taos pusong nagpapasalamat sa lahat!