Bryan Pascual - Barangay 144

Bryan Pascual - Barangay 144 Public Servant

LIBRENG ALMUSAL 🥣Magandang umaga, isang mainit at masarap na lugaw para sa ating mga kabarangay.God bless, Barangay 144!
30/08/2026

LIBRENG ALMUSAL 🥣

Magandang umaga, isang mainit at masarap na lugaw para sa ating mga kabarangay.

God bless, Barangay 144!

28/08/2026

Para sa mga masisipag na may SATURDAY CLASSES....

Suspendido pa rin ang pasok (face-to-face) sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Caloocan, bukas, August 29.

Inaasahan ang mas malakas na pag-ulan sa Metro Manila, kaya’t hinihikayat ang lahat na manatiling handa sa anumang epekto ng masamang panahon.

Manatili pong naka-alerto sa lagay ng panahon, at sakaling mangailangan ng tulong at pagresponde sa anumang insidente, tumawag po sa ating 24/7 Emergency Hotlines:

☎️ (02) 888-25664
📱 0908-81-25664
📱 0998-51-25664

Sa bahay na lang muna ha! Ingat kayo! ILY 🫶

27/08/2026

Dahil gusto ko safe ka… ayan na.

SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Caloocan bukas, August 28. Alternative Delivery Mode muna tayo.

Ito ay bilang pag-iingat sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga magulang, batay sa pinakahuling weather assessment at rekomendasyon ng NDRRMC.

Kaya stay home, stay dry, at makinig pa rin sa teachers ha. Mas importante sa akin na safe at tuyo kayo.

Ingat palagi. Love you! 🫶

Nagkaroon tayo ng Peace and Order Meeting kasama ang ating mga Barangay Tanod para talakayin ang mga importanteng usapin...
24/08/2026

Nagkaroon tayo ng Peace and Order Meeting kasama ang ating mga Barangay Tanod para talakayin ang mga importanteng usapin tungkol sa seguridad at kaayusan ng ating barangay.

Kabilang sa mga napag-usapan ang pagbabantay sa oras ng uwian ng mga estudyante ng BBNHS, curfew hours, at mas pinaigting na pagbabantay sa ating mga lugar.

Maraming salamat sa ating mga tanod sa kanilang patuloy na serbisyo at pag-iingat para sa ating komunidad.

God bless, Barangay 144!

Free Zumba | Every Monday & Wednesday with Coach Che Balmaceda Patuloy po nating isinusulong ang isang mas aktibo at mas...
24/08/2026

Free Zumba | Every Monday & Wednesday
with Coach Che Balmaceda

Patuloy po nating isinusulong ang isang mas aktibo at mas malusog na pamayanan sa pamamagitan ng ating Free Zumba Program. Bukod sa pag-eehersisyo, naging pagkakataon din ito upang mas mapalalim ang samahan at magkaroon ng mas matibay na ugnayan ang ating mga residente bilang isang komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa ating Health and Wellness Program.

God bless, Barangay 144!

22/08/2026
Weekly Clean-Up Drive 2026 Maraming salamat po sa ating mga Kagawad, Staff, BPSO, BERT at Ladies Brigade sa kanilang ora...
21/08/2026

Weekly Clean-Up Drive 2026

Maraming salamat po sa ating mga Kagawad, Staff, BPSO, BERT at Ladies Brigade sa kanilang oras, sipag at pakikiisa sa ating weekly clean-up drive.

Patuloy nating pangalagaan ang ating kapaligiran at panatilihing malinis, maayos at ligtas ang ating komunidad.

Sama-sama sa bayanihan, sama-sama para sa malinis na barangay!

God bless, Barangay 144!

Happy 3rd Anniversary sa ating Zumba Ladies! 🎉Salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at magandang samahan. Patuloy lang ...
20/08/2026

Happy 3rd Anniversary sa ating Zumba Ladies! 🎉

Salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at magandang samahan. Patuloy lang sa Zumba, exercise at saya! ❤️🥰

19/08/2026

Address

Bagong Barrio
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bryan Pascual - Barangay 144 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share