28/08/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข | ๐ฃ๐ฅ๐-๐๐ ๐ฃ๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐ฉ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก
Batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at dahil sa kasalukuyang lebel ng tubig at posibilidad ng patuloy na pagtaas nito, mahigpit na pinapayuhan ang mga barangay na nasa mabababang lugar at mga lugar na madaling bahain na magsagawa ng ๐ฃ๐ฅ๐-๐๐ ๐ฃ๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐ฉ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ng mga residenteng nasa delikadong lugar.
Mahigpit na hinihikayat ang mga kinauukulang barangay na agad buksan at gamitin ang kanilang Barangay Hall o mga itinalagang Evacuation Center upang ligtas na matuluyan ang mga lilikas.
๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฎ๐ช๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐:
1. Makipagtulungan sa mga Barangay Official, MDRRMO, at Incident Management Team (IMT);
2. Dalhin ang mahahalagang gamot, dokumento, pagkain, tubig, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan;
3. Unahin ang paglikas ng mga bata, senior citizen, persons with disabilities (PWDs), buntis, at iba pang vulnerable individuals; at
4. Huwag nang hintaying tumaas pa ang tubig bago lumikas.
Ang kaligtasan ng bawat residente ang pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Bayan. Manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo, at sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad.
๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐๐ผ. ๐ ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐. ๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ด๐ฎ.