07/07/2026
Masayang kwentuhan, masarap na kainan, at makabuluhang talakayan ang pinagsaluhan natin sa ating meeting kasama ang mga kinatawan ng PLEB. Higit pa sa pagpupulong, ito ay naging pagkakataon upang lalo pang mapagtibay ang ating pagkakaisa, mapalakas ang ugnayan, at mapag-usapan ang mga hakbang tungo sa mas mahusay na serbisyo para sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.