Kap. Tata Kabog

Directions

Kap. Tata Kabog PANTAY-PANTAY NA MALASAKIT

🙏⛪ Pagbisita ng ating mga GALAK sa ating simbahan!❤️Mga taong hindi malungkutin—kung di may-GALAK palagi!😊✨Patuloy na ma...
06/09/2026

🙏⛪ Pagbisita ng ating mga GALAK sa ating simbahan!❤️

Mga taong hindi malungkutin—kung di may-GALAK palagi!😊✨
Patuloy na magdala ng saya, kabutihan, positibong enerhiya na galing sa ating Diyos Ama para sa bawat isa. Maraming salamat sa serbisyo niyo. God bless, GALAK!🙏💙

Walang problemang walang solusyon—kung may tunay na kagustuhang kumilos. 💪
03/09/2026

Walang problemang walang solusyon—kung may tunay na kagustuhang kumilos. 💪

01/09/2026

Maraming salamat po, Makmak Gonzales, sa 10 kilos na baboy na puro laman na ipinadala ninyo sa amin. 🐷❤️ God bless always! 🙏

🌧️Magandang araw po sa ating lahat!❤️Kumusta po kayo sa inyong lugar? Sana po ay ligtas ang bawat isa sa kabila ng maula...
29/08/2026

🌧️Magandang araw po sa ating lahat!❤️

Kumusta po kayo sa inyong lugar? Sana po ay ligtas ang bawat isa sa kabila ng maulang panahon. ☔🙏

Mag-ingat po tayong lahat at alagaan ang ating mga mahal sa buhay.❤️

I-comment niyo po kung maulan din ba sa inyong lugar. 👇🌧️

28/08/2026

“Ang pangako ay salita. Ang pagtupad ang patunay.”

26/08/2026

“Kapag ilang beses nang ni-restart pero parehong problema pa rin…
baka hindi restart ang kailangan—upgrade!🔄😂”

25/08/2026

“Kapag puro ‘coming soon’ ang pagbabago…
baka kailangan na nating i-check ang delivery status.📦🤣”

25/08/2026

“Kapag ilang taon nang ‘Loading…’ ang sistema, baka kailangan na ng RESTART. 😂🔄”

🚨 PAALALA PO SA LAHAT!May lumabas na account na “Kap Kabog Bilis” na gumagamit ng pangalan at larawan na kahawig ng akin...
24/08/2026

🚨 PAALALA PO SA LAHAT!

May lumabas na account na “Kap Kabog Bilis” na gumagamit ng pangalan at larawan na kahawig ng aking page.

Hindi po namin alam kung sino ang nasa likod nito, pero huwag po tayong basta magpapaniwala sa anumang post o mensahe mula rito.

❌ Kap Kabog Bilis — HINDI OFFICIAL
✅ Kap. Tata Kabog — OFFICIAL PAGE

Kung may gustong manira o manggulo, mas mabuting katotohanan ang ating pairalin kaysa haka-haka.

Mag-ingat po tayo at paki-share para malaman ng lahat. 🙏

12/05/2025

Maraming salamat po sa lahat ng walang sawang sumuporta sa akin, lalo na sa mga barangay ng Bahay Pare, Paligui, Mangga, Pulong Palazan, at Dulong Ilog kung saan ako nag NUMERO UNO. Hinding-hindi ko po malilimutan ang bawat isang nanalig, nagdasal, at buong tapang na tumindig kasama ko sa laban.

Mula sa unang araw hanggang sa huling yugto po ng ating pakikibaka, sa bawat pagod, pawis, at dasal—kayo po ang nagsilbing lakas at inspirasyon ko. Nawa'y patuloy tayong pagpalain at patnubayan ng Poong Maykapal sa lahat ng ating adhikain.

Bagamat hindi po tayo pinalad sa resulta ng halalan, buong puso ko pong tinatanggap ang pasya ng ating mga kababayan. Ako po, si Kap. Kabog Canimo, ay taos-pusong bumabati sa mga nagwagi, kalakip ang pag-asang kanilang tunay na mapaglilingkuran ang ating komunidad nang may dangal, malasakit, at integridad.

Hindi man po ako ang inyong pinili sa pagkakataong ito, mananatili po akong lingkod-bayan sa puso’t gawa—patuloy na magsisilbi at tutulong sa abot ng aking makakaya. Sapagkat ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa pusong handang maglingkod.

Muli, maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at pagmamahal.

Mabuhay tayong lahat!

— Kap. Kabog Canimo

Address

Bahay Pare, Pampnga
Candaba
2013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Tata Kabog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share