Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga

Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga Sama-sama at Magkaisa sa Patuloy na Pag Asenso ng ating Barangay Vizal Sto. Cristo

Isang taos-pusong pasasalamat sa Provincial Government of Pampanga, sa pangunguna ng ating mahal na Gobernadora, Gov. Na...
15/07/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa Provincial Government of Pampanga, sa pangunguna ng ating mahal na Gobernadora, Gov. Nanay Lilia G. Pineda, sa pagkakaloob ng isang (1) unit Barangay Patrol Tricycle para sa Barangay Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga.
Malaking tulong po ang patrol tricycle na ito sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan, mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kabarangay, at pagpapabuti ng serbisyo publiko sa ating komunidad.
Maraming salamat po, Gov. Nanay Lilia G. Pineda, sa inyong walang sawang suporta at pagmamalasakit sa mga barangay ng lalawigan ng Pampanga. Nawa'y patuloy po kayong pagpalain at bigyan ng kalakasan upang maipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa sambayanang Kapampangan.
Mula sa Pamahalaang Barangay ng Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga, kami po ay taus-pusong nagpapasalamat! πŸ’™β€οΈπŸ‡΅πŸ‡­

08/07/2026

πŸ“£ LTO PROMO LICENSE ASSISTANCE!

‼️ MAGKAKAROON PO TAYO NG PROGRAMA PARA SA MGA SERBISYO NG ACCREDITED DRIVING SCHOOL AT MEDICAL CLINIC PARA SA LAHAT NG TAGA- CANDABA

OPEN DIN PO ITO SA LAHAT NG BRGY KAHIT HINDI TAGA-RITO!

------------------------------------------------------------------

𝐒𝐓𝐔𝐃𝐄𝐍𝐓 ππ„π‘πŒπˆπ“ ππ€π‚πŠπ€π†π„: β‚±2600 πŽππ‹π˜!
(Ang package na ito ay sumasakop sa bayad para sa Accredited Theoretical Driving Course at Medical Examination)

LOKASYON: BARANGAY HALL Vizal sto.cristo
PETSA: JULY 18=19
ORAS: 8am to 2pm

πŸ“Œ First Come, First Served!

------------------------------------------------------------------

βœ… KASAMA SA PACKAGE:
(Mga serbisyo mula sa LTO-Accredited Partners)
πŸ“Œ Theoretical Driving Course (TDC)
πŸ“Œ Medical Exam
πŸ“Œ Assistance sa Document Processing
πŸ“Œ Service Fee

πŸ“’ 𝐑𝐄Qπ”πˆπ‘π„πŒπ„ππ“π’:
βœ… PASSPORT AND 1 VALID ID
βœ… NATIONAL ID AND 1 VALID ID
βœ…PSA/NSO Birth Certificate AND 1 VALID ID
βœ…Digital phone with mobile data
βœ…for female only: If married, bring your marriage certificate (PSA/NSO)
βœ…16 Years old above

πŸ”„ PWEDE RIN MAGPA-ASSIST PARA SA:
βœ… Student Permit to Non-Pro License
βœ…Non-Pro to Professional License
βœ…Dormant License Renewal

------------------------------------------------------------------

In cooperation with:
( Brgy. Captain Sulficio V.Castro )

MAHALAGANG PAALALA: Ang pag-a-apply o pag-renew ng lisensya ay KINAKAILANGAN gawin ng aplikante sa mismong Tanggapan ng LTO. Ang programang ito ay nagbibigay lamang ng mga kinakailangang sertipiko (TDC at Medical).

⚠️ Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magpa-register na!

03/07/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE
Magandang araw po!
Ipinaaalala po ng Pamahalaang Barangay na tuwing Sabado ng umaga ang regular na pagkuha o paghakot ng basura.
Inaanyayahan po ang lahat ng residente na ilabas ang kanilang basura bago dumaan ang truck. Para naman sa mga nakatira sa mga lugar na hindi naaabot ng sasakyan, pakilabas na lamang po ang inyong basura sa pinakamalapit na kalsada upang ito ay madaling makolekta.
Makipagtulungan po tayo sa pagpapanatiling malinis at maayos ang ating barangay. Maraming salamat po.

26/06/2026

Magandang araw Barangay Vizal Sto. Cristo!!!

Ipinaaalam po sa lahat na ang pagkolekta ng basura sa ating barangay ay tuwing Sabado.
πŸ—“οΈ Araw ng Koleksyon: Tuwing Sabado πŸ•– Oras: Simula 7:00 ng umaga (o ayon sa iskedyul ng truck)
πŸ“Œ Paalala:
βœ… Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura.
βœ… Ilabas lamang ang basura sa takdang oras upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.
βœ… Siguraduhing nakalagay sa maayos na lalagyan ang mga basura upang maiwasan ang pagkalat nito.

Makikiisa po tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating barangay.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon!

09/06/2026

Magandang araw mga Kabarangay.
Baka po may nakapulot ng wallet ni Mr. Melanio Silvestre, Lupon Member ng Vizal Sto. Cristo. Kung maaari po ay pakibalik po dito sa Barangay Hall ng Vizal Sto. Cristo. Naroon po ang kanyang mga ID at pera. Pagpalain po kayo ng Panginoon. Mula po sa Vizal Sto. Cristo hanggang Pulong Gubat, Candaba. Salamat po

🎊✨ HAPPY FIESTA VIZAL STO. CRISTO! ✨🎊Maligayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Sto. Cristo! πŸ™Nawa’y patuloy Niya tay...
02/05/2026

🎊✨ HAPPY FIESTA VIZAL STO. CRISTO! ✨🎊

Maligayang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Sto. Cristo! πŸ™
Nawa’y patuloy Niya tayong gabayan, pagpalain, at ingatan sa araw-araw.

Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating ipagpasalamat ang Kanyang kabutihan at pagmamahal sa ating komunidad. ❀️

πŸŽ‰ Mabuhay ang ating barangay!
πŸŽ‰ Mabuhay ang Vizal Sto. Cristo!

Mula kay:
Punong Barangay Sulficio Dolphy Castro
at Barangay Officials

πŸŽ‰ ISANG KARANGALAN PARA SA ATING BARANGAY! πŸŽ‰Buong galak at pasasalamat naming ibinabahagi na ang Barangay Vizal Santo Cr...
20/04/2026

πŸŽ‰ ISANG KARANGALAN PARA SA ATING BARANGAY! πŸŽ‰
Buong galak at pasasalamat naming ibinabahagi na ang Barangay Vizal Santo Cristo, Candaba, Pampanga ay ginawaran bilang πŸ… GOLD AWARDEE para sa 1st Quarter CY 2026 CANDABEST ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang parangal na ito ay pagkilala sa ating mataas na antas ng kahusayan sa pagsusumite ng mga ulatβ€”napapanahon, kumpleto, at may mataas na kalidadβ€”bilang patunay ng ating patuloy na pagsisikap para sa maayos, transparent, at accountable na pamamahala.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa pamunuan ng barangay kundi para sa buong komunidad ng Vizal Santo Cristo na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga programa at proyekto ng ating barangay.
πŸ’™ Maraming salamat sa inyong tiwala at pakikiisa!
Patuloy tayong magsisilbi nang may integridad at dedikasyon para sa ikabubuti ng lahat.



πŸŽ‚βœ¨ Isang Masayang Pagbati sa Ating Punong Barangay! βœ¨πŸŽ‚Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang kaarawan ng ating masipag a...
19/04/2026

πŸŽ‚βœ¨ Isang Masayang Pagbati sa Ating Punong Barangay! βœ¨πŸŽ‚
Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang kaarawan ng ating masipag at maaasahang lider, si Punong Barangay Sulficio Dolphy Castro.
Kap, salamat po sa inyong patuloy na paggabay at dedikasyon sa ating komunidad. Ang inyong malasakit at serbisyo ay tunay na inspirasyon sa bawat isa sa amin.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, matibay na pangangatawan, at marami pang tagumpay sa inyong buhay at panunungkulan.
πŸŽ‰ Happy Birthday po, Kap! πŸŽ‰
Patuloy po kaming sumusuporta at nagpapasalamat sa inyo.

BARANGAY VIZAL STO. CRISTO Weekly Clean-Up DriveSa tulong ng mga Kagawad, Brgy. Treasurer, at Barangay Tanod at sa gabay...
04/01/2026

BARANGAY VIZAL STO. CRISTO Weekly Clean-Up Drive
Sa tulong ng mga Kagawad, Brgy. Treasurer, at Barangay Tanod at sa gabay ng ating Punong Barangay, Kap. Dolphy Castro, patuloy ang ating adbokasiya para sa kalinisan at kaayusan.
Makilahok at makiisaβ€”ang malinis na barangay ay responsibilidad nating lahat! ♻️

24/12/2025

Address

Vizal Sto. Cristo
Candaba
2013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Vizal Sto. Cristo, Candaba, Pampanga:

Shortcuts

Share