12/08/2026
Kabataan ng Mangilag Sur, Katuwang sa Pag-unlad!
Sa pagdiriwang ng International Youth Day, ating ipinagmamalaki ang mga Kabataan ng Mangilag Sur, mga kabataang hindi lamang nakikilahok, kundi tunay na kumakilos, tumutulong, at naglilingkod para sa ating komunidad.
Sa ilalim ng SK Mangilag Sur, napatunayan natin na malaki ang kayang ambag ng kabataan. Mula sa mga programa at aktibidad, community service, pagtulong sa ating mga kabarangay, hanggang sa pagiging katuwang sa bawat proyekto ng SK, ang kabataan mismo ang isa sa pinakamalaking lakas ng ating serbisyo.
Hindi lamang sila mga benepisyaryo. Sila ay katuwang, volunteers, organizers, leaders, at mga kabataang handang maglaan ng oras at talento para sa kapwa.
Sa bawat kamay na tumutulong, bawat oras na iniaalay, at bawat ideyang ibinabahagi, mas pinatutunayan natin na:
ANG KABATAAN NG MANGILAG SUR AY HINDI LANG KINABUKASAN, KAMI AY INYONG KATUWANG SA PAGBABAGO NGAYON.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang patuloy na sumusuporta, nakikilahok, at naglilingkod kasama ng SK Mangilag Sur. Dahil sa inyo, mas nagiging makabuluhan ang bawat programa at mas nagiging matatag ang ating serbisyo.
Happy International Youth Day, Kabataan ng Mangilag Sur! ๐
Patuloy tayong magkaisa, kumilos, at maglingkod.