Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon

Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon Official page of Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon

27/02/2026

Announcement mga Kabarangay Poblacion:

Paumanhin po mga Kabarangay Poblacion,
Pansamatala po na mawawalan ng supply ng tubig ang tank 3 sa kadahilanang may emergency pong nag ka-problema ang main line ng tubig.

Maraming Salamat po sa pang unawa.

26/01/2026

Magandang Araw po sa ating lahat, humihingi po ng paumanhin ang BArangay Poblacion sa hindi paghakot ng basura sa kadahilanan pong nasira ang truck, Salamat po sa inyong pang-unawa.

09/01/2026

Good Day po, Open po ang Barangay Poblacion Candelaria, Quezon bukas Saturday para sa mga kukuha ng Business Permit and Barangay Clearance. Maraming Salamat po

Good day po mga kabarangay baka po may nakakakilala kay ALONA E. AROMAY pumunta lang po dito sa Barangay Hall Poblacion ...
23/12/2025

Good day po mga kabarangay baka po may nakakakilala kay ALONA E. AROMAY pumunta lang po dito sa Barangay Hall Poblacion may nakapulot po ng kanyang wallet may lamang mga I.D. pero wala na pong lamang pera.
Maraming Salamat po.

17/12/2025

Magandang Araw po sa inyong lahat mga Kabarangay, Ipinababatid po ng Sangguniang Barangay ng Poblacion sa pangunguna ng ating Punong Barangay Rene Nadres Rasay na mag-iingat po tayo dahil sa mga dumaraming mandurukot, namamasok ng bahay at mga scammer at kung maari ay huwag po kayong mag- intertain ng hindi nyo po kilala.
Maraming Salamat po.

Send a message to learn more

Good Day mga kabarangay Poblacion,baka po gusto nyong magpa-laboratory sa murang halaga pumunta na lang po kayo sa GENER...
03/12/2025

Good Day mga kabarangay Poblacion,
baka po gusto nyong magpa-laboratory sa murang halaga pumunta na lang po kayo sa GENERIKA DRUGSTORE
- Maraming Salamat po.

03/12/2025

TAUNANG PAILAW NG MGA PAROL SA SA BARANGAY POBLACION Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Poblacion na makiisa at kanilang masaksihan ang Simpleng Taunang Pailaw ng mga Parol sa ating barangay bilang bahagi ng ating masayang pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan.
DECEMBER 03, 2025
7:00 NG GABI
BARANGAY HALL POBLACION
Sabay sabay po nating sindihan ang liwanag ng pag-asa, pagkakaisa at pagmamahalan ngayong Kapaskuhan
Hinihikayat po namin ang bawat pamilya na dumalo at makibahagi sa makulay at masayang selebrasyon ng ating barangay. MULA SA BARANGAY POBLACION- MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON

Good Day mga kabarangay Poblacion,kung may kakilala po kayong gustong mag-aral ngunit walang kakayahan , pumunta lang po...
25/11/2025

Good Day mga kabarangay Poblacion,
kung may kakilala po kayong gustong mag-aral ngunit walang kakayahan , pumunta lang po dito sa Barangay Hall ng Poblacion para sa karagdagang impormasyon.
First come first served po for 50 slots only.
Until first week of December only.

Priority:

ALS GRADUATE
HIGH SCHOOL GRADUATE
OUT OF SCHOOL YOUTH na graduate ng grade 12
COLLEGE UNDERGRADUATE

Courses offer:

IT Information Technology
Hospitality Management

Maraming Salamat po.

06/11/2025

MAGANDANG ARAW PO SA ATING LAHAT. SA MGA CONSUMERS NG PATUBIG TANK 1, SA KASALUKUYAN MAHINA ANG ATING SUPPLY NG TUBIG PERO AGARAN PONG GINAGAWAN PA NG SOLUSYON, HINIHINGI PO NAMIN ANG INYONG PANG UNAWA, MARAMING SALAMAT PO

05/11/2025

MAGANDANG ARAW SA ATING LAHAT!!!
MAGKAKAROON PO TAYO NG ANTI RABIES VACINE SA BAWAT PUROK, SA PETSANG (NOV. 12-13-14). PARA SA MGA ALAGANG A*O AT PUSA. MARAMING SALAMAT PO.

05/11/2025

MAGANDANG ARAW PO SA ATING LAHAT!!!
MAGKAKAROON PO TAYO NG REGISTRATION PARA SA NATIONAL I.D. NGAYONG BIYERNES AT SABADO (NOV. 7-8, 8:00 AM -5:00 PM), DITO PO SA ATING BARANGAY HALL. MAGDALA LANG NG BIRTH CERTIFICATE PARA SA REGISTRATION! MARAMING SALAMAT PO!

Address

Cabuñag Cor. Cedeño Street Barangay Poblacion
Candelaria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share