Alnor Tagara

Alnor Tagara Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alnor Tagara, Police station, Candelaria MPS, Candelaria.

28/04/2026
28/04/2026

PRO CALABARZON Daily Accomplishment

Aligned with the Chief, PNP's Focus Agenda, PRO CALABARZON continues its Anti-Criminality Campaign with its daily efforts highlighting the Arrest of Most Wanted Persons, Campaign Against Illegal Drugs, Gambling, Loose Fi****ms, and Enforcement of Local Ordinances to promote peace and safety across the CALABARZON region.



27/04/2026
27/04/2026

KAPULISAN, HINANGAAN SA AGARANG PAGTULONG SA INA AT SANGGOL SA KALINGA

Isang ordinaryong checkpoint operation ang nauwi sa isang makabuluhang tagpo ng malasakit matapos agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pinukpuk Municipal Police Station sa isang inang may dalang sanggol na nangangailangan ng agarang tulong.

Habang nagpapatupad ng routine inspection sa mga motorista, napansin ng mga pulis ang isang babaeng nakayapak, pagod na pagod, at bitbit ang kanyang sanggol na halatang hindi maayos ang kalagayan. Sa halip na palampasin, agad nila itong nilapitan at inasikaso.

Dalawang police personnel—PCpl Jaynifer D. Pattal at PCpl Arlyn D. Dumayag-Peng-at—ang nanguna sa pag-aalaga sa sanggol. Maingat nilang sinuri ang bata, pinalitan ng diaper, at tiniyak na malinis at komportable ito. Humingi rin sila ng tulong sa mga residente sa lugar na boluntaryong nagbigay ng damit para sa sanggol.

Binigyan din ng pagkain at sandaling pahinga ang ina, habang nag-abot ng tulong pinansyal ang mga pulis para sa pamasahe upang makauwi nang ligtas ang mag-ina.

Ayon kay Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang ganitong mga pagkakataon ay nagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyo ng kapulisan.

“Ang pulis na may malasakit ay hindi lang nakatuon sa pagpapatupad ng batas, kundi sa pag-abot ng tulong sa oras ng pangangailangan. Ito ang klase ng serbisyo na nagpapalalim ng tiwala ng ating mga kababayan sa PNP,” ani PGen Nartatez.

Dagdag pa ng Chief PNP, ang ganitong klaseng pagtugon ay patunay na ang kapulisan ay nananatiling malapit sa mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ang pangyayaring ito ay nagsilbing paalala na ang isang checkpoint ay hindi lamang lugar ng inspeksyon, kundi maaari ring maging sandali ng pag-asa at malasakit.

Sa ilalim ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman, patuloy na pinapatunayan ng kapulisan na ang tunay na seguridad ay may kasamang puso at malasakit para sa bawat Pilipino.

(PNP-PIO)

27/04/2026
25/04/2026

Maging kalmado at mapagmatyag sa paligid. Iwasan ang alitan at mga mapanganib na sitwasyon. Kapag may banta o karahasan, agad tumawag sa 911 o humingi ng tulong sa pulisya.

Para sa ligtas at mapayapang komunidad.



25/04/2026

PAALALA 🚫🎲

Paalala po sa lahat na ang ilegal na pagsusugal sa pampublikong lugar—tulad ng mahjong, bingo, jueteng, at video karera—ay ipinagbabawal ng batas.

May kaakibat itong parusa, kabilang ang pagkakakulong mula 30 araw hanggang 20 taon, depende sa paglabag.

Maging maingat at sama-sama nating panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad.



Address

Candelaria MPS
Candelaria
4323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alnor Tagara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category