30/03/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Araw ng Pagtatapos 2026! ๐โจ
Sa mga masisipag na g**o ng Capas Gabaldon Elementary School-CGES at tagapamahala G. Benigno Briones Ramos at Tagamasid Pandistrito G. Delfin Sibal, maraming salamat sa inyong gabay, tiyaga, at walang sawang suporta.
Sa ating panauhing pandangal na si Bb. Rhenita Rodriguez, lubos ang aming kagalakan na ang aming munting Paaralan ay inyong pinagbigyan. Tunay na kayo ay inspirasyon hindi lamang sa mga mag-aaral ng Capas Gabaldon, bagkus sa buong bayan ng Capas.
Pagbati at paghanga sa mga natatanging g**o na pinarangalan bilang Outstanding Teachers ng taong panuruang 2025-2026. ๐๐
Sa mga magulang at pamilya, sa mga Graduation Parents Officers, sa mga SPTA Officers, salamat sa lahat ng tulong at sakripisyo para sa ating Paaralan.
Hindi rin po namin makakalimutan ang lahat ng tumulong sa likod ng entabladoโmula sa mga chairman ng ibat-ibang committees, faculty staff, at iba pang sumuporta upang maging maayos at makabuluhan ang seremonyang ito.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa ating paaralan, kundi para sa inyong lahat na naging bahagi ng ating paglalakbay. Maraming, maraming salamat po!
Pagpupugay sa inyong lahat! ๐ซก