23/10/2026
๐๐๐๐ ๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ang School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Ticulio Elementary School, sa pakikiisa ng Pamahalaang Barangay ng Ticulio, ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mga bata, magulang, at kabarangay na makiisa sa ating Childrenโs Month and Reading Month Celebration 2026 sa darating na Oktubre 31, 2026, sa Barangay Covered Court, Ticulio, Cardona, Rizal.
Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang kahalagahan ng karapatan, kaligtasan, pagkatuto, at pag-unlad ng bawat bata sa pamamagitan ng masasaya at makabuluhang gawain!
Mga Inihandang Aktibidad:
๐ญ Character/Costume Parade
๐ Storytelling Session
๐ค Talent Show
๐ Raffle Draw
Tara na, Ticulio! Sama-sama nating gawing masaya, makabuluhan, at di-malilimutan ang pagdiriwang para sa ating mga kabataan!
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Mrs. Carissa S. Escudero, Pangulo ng SPTA.
Paalala: Ang paglahok sa gawaing ito ay boluntaryo lamang.