03/06/2026
๐ BRIGADA ESKWELA 2026 | DAY 3 HAPPENING NOW
Bilang bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng Brigada Eskwela, kasalukuyang isinasagawa ang Free Blood Pressure and Blood Sugar Screening para sa ating mga magulang, g**o, at mga boluntaryo sa paaralan.
Ang gawaing ito ay pinangungunahan ni Gene Dionisio kasama ang Community-Based Diabetes Educators Group (CBDEG) Inc., bilang suporta sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng ating komunidad habang nakikiisa sa paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa CBDEG Inc. at sa lahat ng mga katuwang na patuloy na naglalaan ng kanilang oras, serbisyo, at kaalaman upang matiyak ang isang ligtas, malusog, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Patuloy po nating suportahan at makiisa sa mga gawain ng Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating isulong ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon!