DepEd RXII Makatactac ES

DepEd RXII Makatactac ES The Official page of Makataktak Elementary School

A minute of talk that enlightens our roles as school responders in times of crisis. Thank you BFP-Carmen for the visit a...
14/07/2026

A minute of talk that enlightens our roles as school responders in times of crisis. Thank you BFP-Carmen for the visit and assistance to DepEd Rxii Makatactac ES .

07.14.2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan, Hon.  Emmylou Lala Taliño-Mendoza Governor, Province of Cotabato at ...
30/06/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan, Hon. Emmylou Lala Taliño-Mendoza
Governor, Province of Cotabato at Vice Governor Hon. Ella Talino Taray.

Maraming salamat po sa 100 na bagong upuan na inyong ipinagkaloob sa Makatactac Elementary School. Malaking ginhawa at kasiyahan po ito para sa aming mga mag-aaral. Dahil sa inyong donasyon, mas komportable na po sila sa pag-upo at pag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan.

Maraming salamat din sa nakapasupportive naming PTA President Kagawad Noel Cuyos sa pagpapahiram ng sasakyan upang makuha ang mga upuan. At sa aming Punong G**o Sir Arnel Badong maraming salamat po dahil andyan ka na handang mag sakripisyo at tumulong sa pagkarga ng mga upuan upang mabilis matapos.

Ang inyong suporta sa edukasyon ay patunay ng inyong malasakit sa kinabukasan ng kabataan.

Mula po sa lahat ng g**o, magulang, at mag-aaral ng Makatactac ES MARAMING MARAMING SALAMAT PO, GOV. LALA!
Mabuhay po kayo at ang Serbisyong Totoo!

30/06/2026

Upuan para sa mas kumportable at masiglang pag-aaral.🪑📚🎒 Mula sa buong Makatactac Elementary School stakeholders at learners, maraming salamat po Gov. Lala Taliño-Mendoza sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon.

Welcome to DepEd Rxii Makatactac ES ! Teacher Shella Joy Tolido, T1
25/06/2026

Welcome to DepEd Rxii Makatactac ES ! Teacher Shella Joy Tolido, T1

Taos-pusong pasasalamat po ang ipinapaabot ng Makatactac Elementary School sa ating Pamahalaang Lokal ng Carmen at sa at...
24/06/2026

Taos-pusong pasasalamat po ang ipinapaabot ng Makatactac Elementary School sa ating Pamahalaang Lokal ng Carmen at sa ating butihing Vice Mayor Hon. Roger Ryan Taliño sa pagbibigay ng grass cutter para sa aming paaralan.

Dahil sa inyong suporta, mas mapapanatili na naming malinis, maaliwalas, at ligtas ang aming paligid para sa mga bata. Malaking tulong po ito sa kalinisan at kaayusan ng aming campus — mas maganda na ang tingnan, mas komportable na ang mga mag-aaral maglaro at mag-aral.

Ang inyong malasakit sa edukasyon at kapakanan ng mga bata ay tunay na napapahalagahan. Mabuhay po ang Pamahalaang Bayan ng Carmen! Salamat po sa serbisyong may puso para sa kabataan. 💚

Not just a teacher, but a multitasker. Happy birthday Teacher Jesserose!! 🎂Enjoy your day today!
21/06/2026

Not just a teacher, but a multitasker. Happy birthday Teacher Jesserose!! 🎂Enjoy your day today!

Cheers to another year of messy desks, bright smiles, and making a difference. Happy birthday Teacher Regina! 🎂Enjoy you...
18/06/2026

Cheers to another year of messy desks, bright smiles, and making a difference. Happy birthday Teacher Regina! 🎂Enjoy your day.

Another year of passion, purpose, and making a difference. May God bless you more in this journey as you shape beautiful...
12/06/2026

Another year of passion, purpose, and making a difference. May God bless you more in this journey as you shape beautiful minds every day. 📚✨ Happy birthday and happy first anniversary in Deped Teacher Riza Joy!

11/06/2026

PAABISO SA PAGPAPALIBAN NG GENERAL ASSEMBLY MEETING

Magandang araw po sa lahat ng magulang ng mga mag aaral ng Makatactac Elementary School.

Ipinababatid po namin na ang General Assembly Meeting na nakatakda ngayong araw (Hunyo 11,2026- 1:00pm) ng hapon ay ipinagpapaliban na naman po at ito ay gaganapin sa susunod na linggo (Hunyo 19,2026-8:00 am).

Ang pagbabagong ito ay dahil sa hindi inaasahang importanteng meeting ng ating Punong G**o at hindi kayang makaabot sa oras na itinakda mamayang hapon.

Sa muli, hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pagdalo sa bagong takdang araw. Ang inyong presensya ay mahalaga para sa mga mahahalagang usapin tungkol sa ating mga mag-aaral at paaralan.

Maraming salamat po.
Makatactac Elementary School Administration

10/06/2026

PAABISO SA PAGPAPALIBAN NG GENERAL ASSEMBLY MEETING

Magandang araw po sa lahat ng magulang, g**o, at non-teaching staff ng Makatactac Elementary School.

Ipinababatid po namin na ang General Assembly Meeting na nakatakda bukas (Hunyo 11,2026- 8:am) ng umaga ay ipinagpapaliban at ito ay gaganapin sa parehong araw(Hunyo 11,2026-1pm).

Ang pagbabagong ito ay dahil sa hindi inaasahang importanteng meeting ng ating Punong G**o.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pagdalo sa bagong takdang oras. Ang inyong presensya ay mahalaga para sa mga mahahalagang usapin tungkol sa ating mga mag-aaral at paaralan.

Maraming salamat po.
Makatactac Elementary School Administration

Address

Carmen
9408

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd RXII Makatactac ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd RXII Makatactac ES:

Shortcuts

Share

Category