02/10/2021
Sa nagdaang mga araw ay nagsagawa ang ating mga barangay ng mga aktibidad na naglalayong panatilihin ang kaayusan at kaligtasan sa ating bayan, at maghatid ng ngiti sa ating mga kababayan.
Narito ang ilan sa accomplishments ng ating mga barangay mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1:
• pamamahagi ng gamot at multivitamins sa ating mga Senior Citizen sa pamamagitan ng Botika on Wheels na programa ni Gov. Johnvic Remulla at sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan at ng ating mga Barangay;
• pagsasagawa ng buwanang pagpupulong upang talakayin ang mga proyekto at updates ng barangay at
• patuloy na pakikiisa sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program upang mapanatili ang kalinisan sa ating bayan at maibalik ang dating sigla ng Manila Bay.
Hinihikayat ang lahat na makiisa at makipagtulungan sa mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan at mga barangay upang maisakatuparan ang ating mga minimithi para sa ating bayan.