LTO Carmona District Office

LTO Carmona District Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LTO Carmona District Office, Government Organization, Carmona.

20/08/2026
20/08/2026

FYI! All driver's license card backlogs from April 2023 to July 8, 2026 are now available at LTO Carmona DO today.

10/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Bilang pag-iingat sa kaligtasan ng publiko at mga kawani ng pamahalaan bunsod ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon, ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) na alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home (WFH) arrangement ngayong araw, Agosto 10, 2026, sa lahat ng tanggapan ng LTO sa National Capital Region (NCR), gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Benguet, Pangasinan, Abra, Tarlac, Pampanga, Oriental Mindoro, at Bulacan.

Sa ganitong sitwasyon, hinihikayat ang publiko na bigyang-prayoridad ang kaligtasan at ipagpaliban muna ang mga planong transaksyon sa mga tanggapan ng LTO. Ang mga transaksyong hindi maisasagawa sa nasabing araw ay maaaring ipagpatuloy sa oras na maibalik ang regular na operasyon ng mga tanggapan.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LTO para sa mga susunod na update at manatiling alerto sa mga pagbabago sa lagay ng panahon. Higit sa lahat, manatiling ligtas at mag-ingat sa lahat ng oras.

06/08/2026

WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AGOSTO 6

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Benguet
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Zambales
πŸ“ Kalinga
πŸ“ Mountain Province
πŸ“ Ifugao
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Apayao
πŸ“ Nueva Vizcaya
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Bataan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Rizal
πŸ“ Cavite
πŸ“ Batangas
πŸ“ Laguna
πŸ“ Occidental Mindoro

Ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.

05/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang LTO Central Office at mga tanggapan nito sa NCR, gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro, ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga planong transaksyon at hintayin ang susunod na abiso hinggil sa pagpapatuloy ng regular na operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng LTO para sa iba pang mga update at manatiling ligtas sa gitna ng patuloy na masamang panahon.

20/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa CALABARZON.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.




09/07/2026

FYI! All driver's license card backlogs from April 2023 to July 8, 2026 are now available at LTO Carmona DO.

06/07/2026

FYI! All driver's license card backlogs from April 2023 to July 3, 2026 are now available at LTO Carmona DO.

24/06/2026

FYI! All driver's license card backlogs at LTO Carmona DO are now available.

29/05/2026

Address

Carmona

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464333492

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Carmona District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Carmona District Office:

Shortcuts

Share