10/08/2026
34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2026
Mabuhay ang Kabataang Pilipino :)
34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2026 🇵🇭
MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA. 📣
Ngayong 34th National Children’s Month (NCM), binibigyang-diin natin ang Child Protection in Emergencies (CPiE)—ang pangangalaga sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna at iba pang emergency.
Ang tema ngayong taon ay mula mismo sa tinig ng mga bata. 💙
Sa pamamagitan ng MakabaTanong online survey at National Children’s Month–Children’s Brainstorming Session (NCM-CBS), ibinahagi ng mga bata ang kanilang mga karanasan, saloobin, at mga usaping higit na nakaaapekto sa kanilang buhay. Kabilang sa kanilang mga binigyang-diin ang lumalaking panganib na dulot ng mga bagyo, baha, lindol, armadong tunggalian, at iba pang krisis.
Ipinapaalala sa atin ng mga bata: kailangan nilang maging handa, ligtas, protektado, at may boses sa panahon ng emergency.
Ngayong 34th NCM, sama-sama nating isulong ang isang Pilipinas kung saan ang bawat bata ay handa sa panganib, napapakinggan, at higit sa lahat, napoprotektahan.
Manindigan. Tumugon. Kumalinga. 🤝
Dahil sa batang handa, mas ligtas ang bansa! 🇵🇭💙